NABIGLA ang mga netizens sa viral video ng live selling ng online seller ng mga bags na si Agnes Serafica noong Huwebes, September 5.
Nakakagulat ang mga nangyari sa vide dahil kahalating oras pa lamang na nagla-live si Agnes ay bigla na lang itong napatigil at mapapansin sa mukha nito ang pagkaalarma.
Isang naka-helmet na lalaki na nakatakip ang mukha at mata lang ang kita ang biglang nanloob sa kanilang bahay at nagdeklara ng holdap.
Noong mga panahong nilooban ang naturang online seller ay kasama niya ang asawa’t anak niya ngunit hindi ito nakikita sa video.
Nang holdapin sila ay itinaob ang kamerang gamit nito sa pagla-live ngunit maririnig pa rin ang boses ng holdaper na nagsasabing “Dapa kayo! Dapa! Hubarin niyo ang mga alahas ninyo!”
Nakunan pa nga ang pangha-harass ng holdaper sa online seller at sa pamilya nito bago mag-off cam.
Nagbanta pa ang lalaki na papuputukan niys ng baril ang mga biktima matapos niyang ipatanggal ang alahas nito.
Baka Bet Mo: Magdyowang online seller namigay ng ’24-karat gold bar’ bilang souvenir sa kasal, P15k ang halaga kada piraso?
“Teka lang po, kuya…” ito na lang ang nasabi ng online seller na mahihimigan ng kaba sa kanyang boses.
Dalawang minuto rin ang itinagal ng holdapan at mabilis itong humarurot paalis kasama ang kanyang lookout sakay ng motor ayon sa report na inilabas ng News5.
Maging ang cellphone na mismong gamit nina Agnes sa live selling ay nakuha rin.
Nagkakahalaga ng mahigit PHP100,000 ang nga nakuhang gamit ng mga magnanakaw mula kina Agnes.
At nito ngang Linggo, September 10, sumuko rin ang dalawang suspek sa mga pulis at napag-alaman pa ngang mismong kapitbahay lang pala nila ang nangholdap sa kanila.
Base sa imbestigasyon, kaya raw nagawa ng suspek na nakawan ang kapitbahay dahil sa mga kuwento ng mismong ama ni Agnes.
“E, yun pong tatay ng biktima ay nagkukuwento rito sa kapitbahay, na ang anak niya’y maraming pera…” saad ng pulisya.
Dagdag nito, “Na may PHP3 milyon sa kuwarto niya. Nakatago. So yun po ang nakapag-encourage, nakapag-motivate po sa mga suspek natin.”
Tanging bracelet at tatlong singsing na lang ang na-recover mula sa mga suspek.
Kasalukuyang nakapiit ang dalawang suspek sa kulungan.
Paalala ni P/Lt. Fonte, “Wag po tayong masyadong magkuwento ng mga nakaka-engganyo sa may mga criminal mind.
“Kapag nakukuwento po natin kasi na marami tayong pera, baka pagplanuhan tayo kasi.”
Related Chika:
Proteksyon vs manlolokong online seller umusad na
Pagrehistro ng online seller ipagpaliban