Lugmok sa hirap | Bandera

Lugmok sa hirap

Joseph Greenfield - October 23, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Arsenia, ng Barangay Nabago, Valencia City
Dear Sir Greenfield,
Ang sabi ng mga magulang ko, hindi na raw ako makapagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo dahil lugmok na kami sa kahirapan.  Ang sabi nila, tumulong na lang daw ako sa bukid. First year college na sana ako at pangarap kong kumuha ng kursong Pharmacy. Itatanong ko lang kung makapagpapatuloy pa kaya ako ng pag-aaral. Gusto kong magtapos sa kolehiyo para maiahon sa kahirapan ang aking pamilya. Matutupad kaya ang munting pangarap kong ito?
Umaasa,
Arsenia, ng Barangay Nabago, Valencia City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at mahabang Fate Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, hindi ka mawawalan ng career o aturgahin sa buhay, kaya kahit na di ka muna makapag-aral dahil di na kaya ng mga magulang mo, sa sarili mong diskarte at paraan ay mapag-aaral mo ang iyong sarili.
Cartomancy:
Five of Diamonds, Two of Hearts at Six of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang maganda at maputing babae ang tutulong sa iyo para makapagtrabaho sa computer café. Sa nasabing trabaho magsisimula ang maganda mong career, hanggang sa ikaw ay maging successful na working student.

________>>>>__________

Sulat mula kay Arsenia, ng Barangay Nabago, Valencia City
Problema:
1.      Ang sabi ng mga magulang ko ay hindi na raw ako makapagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo dahil lugmok na kami sa kahirapan.
Ang sabi nila, tumulong na lang daw ako sa bukid. First year college na sana ako at pangarap kong kumuha ng kursong Pharmacy.
2. Itatanong ko lang kung makapagpapatuloy pa kaya ako ng pag-aaral. Gusto kong magtapos sa kolehiyo para maiahon sa kahirapan ang aking pamilya. Matutupad kaya ang munting pangarap kong ito?
Umaasa,
Arsenia, ng Barangay Nabago, Valencia City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing sa pamamagitan ng sarili mong kayod at pagsisikap ay makakatapos ka ng pag-aaral. Isang babaeng isinilang sa zodiac sign na Taurus ang mag-alok sa iyo ng trabaho.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang babaeng magbibigay sa iyo ng trabaho ay isinilang sa petsang 5, 14, o kaya’y 23. Siya ang makatutulong sa iyo para maging working student ka sa susunod na semester.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na maliit at medyo chinita ay nagsasabing isang lalaking medyo payat na matangkad ang iyong magiging boyfriend. At ang boyfriend mong ito ay matutulungan ka sa aspetong financial.
Color Test:
Upang mangyari ang lahat ng pag-aanalisang inilahad na sa itaas ay lagi kang magsuot ng kulay berde at powder blue. Ang nasabing kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran.
Biorhythm Chart:
Ayon sa iyong Biorhythm Chart, umangat nang husto ang graph ng Career at Pag-ibig sa taon 2017, kung saan sa nasabing panahon, makakatapos ka ng college at makalipas ang isang taon ay makapag-aasawa ka ng isang professional.  Matapos maka-graduate at makapag-asawa,
magsisimula nang umunlad ang iyong buhay. Dagdag na rito ang isang masaya at panghabambuhay na pamilya.
Huling payo at paalala:
Arsenia, nakahanda na ang susuungin mong kapalaran, kung saan, magiging working student ka, makakatapos ng college sa kursong Accountancy hanggang sa tuluyang makapag-asawa ng professional na lalaki hanggang sa  magkaroon ng maunlad at  maligayang pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending