Judy Ann mala-‘stage mom’ sa soccer competition ng anak, first time mangibang-bansa na ‘di kasama ang pamilya

Judy Ann mala-‘stage mom’ sa soccer competition ng anak, first time mangibang-bansa na ‘di kasama ang pamilya

PHOTO: Instagram/@officialjuday

STAGE mom ang peg ng batikang aktres na si Judy Ann Santos na lumipad papunta sa Malaysia kasama ang 12-year-old niyang anak na lalaki na si Lucho.

Magco-compete kasi ang kanyang anak, pati ang ilan pang players ng Arayat Football Club sa LaLiga Youth Tournament na magaganap sa Kuala Lumpur ngayong September 15 hanggang 17.

Inaasahan sa kompetisyon na makikita ang kakayahan ng mga manlalaro mula sa mga kategoryang under-8 hanggang under-16.

Ang mga koponan mula sa Pilipinas na kinabibilangan din ng mga manlalaro mula sa Prodigy Training Center ay nakatakdang kalabanin ang mga nasa bansang gaya ng Malaysia, Hong Kong, Thailand, at Brunei.

Anyway, naikuwento nga ni Juday sa social media na ito ang first time na hindi niya makakasama sa isang overseas trip ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo at dalawang anak na babae na sina Yohan at Luna.

“First time to leave Manila without dada and the girls.. this time it’s just mommy and kuya [Lucho] and ate arlen .. missing a big chunk of our family here in KL (Kuala Lumpu),” wika niya sa isang Instagram post.

Patuloy ng award-winning actress kalakip ang selfie nila ni Lucho, “Mommy and kuya time muna (for now), while dada spends time with the girls. Missing you big time bub. [emojis] @ryan_agoncillo.”

Baka Bet Mo: Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

Nag-reply naman diyan ang mister ni Juday at sinabing, “Missing you too much babies [emoji].”

Napa-comment din ang ilang kapwa-celebrities sa post ng veteran actress at ilan na riyan sina Gladys Reyes, Sharon Cuneta, Vina Morales, Christine Babao, at marami pang iba.

“Awww soccah!!! Gugie told me! Woohooooo Luch! Mama Sharon is sooo proud of you! I love you both very much! [red hearts emoji],” sey ni Sharon.

Komento ni Christine, “Safe travels , have fun and go go go Lucho! [soccer ball emojis].”

Samantala, nakatakdang bumida si Juday sa panibagong serye kung saan makakasama niya sina Edu Manzano, Gina Alajar, at RK Bagatsing. 

Magugunita na ang pinakahuli niyang teleserye ay ang Kapamilya drama na “Starla.”

Related Chika:

Read more...