PANGARAP ng news anchor at aktres na si Kaladkaren ang makilala ang Pinoy drag artists sa buong mundo.
Nakapanayam ng INQUIRER.net ang LGBTQIA+ rights advocate at nabanggit nga niya na ang pagiging hurado sa dalawang season ng “Drag Race Philippines” ang nagtulak sa kanyang ninanais.
“I hope we go to a bigger stage, not only in the Philippines, but I hope we get recognized all over the world, which, I think, is slowly happening now,” sey niya sa interview.
Dagdag pa niya, “I think we’re going there, we’re going in the right direction.”
Ayon din kay Kaladkaren, mas napalapit ang kanyang puso sa Pinoy drag community matapos siyang ma-expose sa nasabing drag reality competition.
“I learned a lot, that drag is for everyone,” sambit niya.
Bukod diyan, nais din ng award-winning actress na maalis ang ilang “misconceptions” pagdating sa sining o art form ng drag performers.
Baka Bet Mo: Kaladkaren: Sabi nila ’15 minutes of fame mo lang ‘yan, hanggang diyan ka na lang, hindi ka sisikat’
“They’re thinking that drag is only for men who cross-dress. But it’s not about that. There’s artistry behind it,” saad niya.
Paliwanag pa niya, “There are also things you fight for behind the performances, the make up.”
“You know drag has always been and will always be political. So it can be a powerful tool to push for your advocacies, and your causes in life,” patuloy niya.
Sa huli ay lubos na pinasasalamatan ni Kaldkaren ang naturang show dahil, aniya, “I was able to become the face of the transgender community even more, within the LGBTQIA+ community itself.”
Bukod sa “Drag Race Philippines,” nagsisilbing news anchor si Kaladkaren sa entertainment at lifestyle segment ng primetime newscast na “Frontline Pilipinas” ng TV5.
Gumawa rin siya ng kasaysayan kamakailan lang kung saan siya ang kauna-unahang transgender woman na nagwagi ng “Best Supporting Actress” sa Summer Metro Manila Film Festival na naganap noong Abril.
Kinilala siya dahil sa mahusay niyang pagganap sa comedy film na “Here Comes the Groom” kasama ang aktor na si Enchong Dee.
Related Chika:
#LoveWins: KaladKaren, British fiancè nag-celebrate ng 10th anniversary