PAGKATAPOS ng mga Instagram post ni Sharon Cuneta na nami-miss niya ang anak na si Frankie Pangilinan na nasa Amerika ngayon at sa nakaraang birthday ni Miel Pangilinan ay hindi naman niya nalimutan ang panganay niyang si KC Concepcion.
Hindi kaila sa publiko na may nangyaring tampuhan sa pagitan ng mag-inang pero sa huli, masasabi talagang “blood is thicker than water”, sabi nga hindi matitiis ng ina ang kanyang anak.
Kaya naman kaninang umaga ay pinrmote ni Megastar ang pelikula ng anak na kinunan sa Amerika by re-posting the poster of “Asian Persuasion” mula sa Instagram account ni KC.
Ang caption ni Shawie, “America! My first-born is starring in her first Hollywood movie and I hope you can watch it! (praying hand and heart emojis) @kristinaconcepcion God be with you anak. Please take care of yourself. Repost from @kristinaconcepcion.”
Maging ang caption ni KC sa poster ay ni-repost din, “Calling all my friends and Fil-Ams in America! 6 days to go, and I’ll be at the @sohofilmfest for the first time as an actor, representing my first international film “Asian Persuasion” – am I seeing you there?
“Our world premiere for Sept 16th @ 7p is SOLD OUT, but you can still purchase your tickets for the Sept 17th showing (2p @villageeastbyangelika). I’m soooo nervous.
“Are you coming? Where are you from? Share with us in comments below!”
Kaagad nagkomento si KC sa pag-post ng mama niya, “Like I always tell you mama, tho I’m not perfect, everything I do is for you.”
Pinusuan at ni-like ng maraming netizens ang post ni Sharon at ang gaganda rin ng komento ng kanyang Instagram followers.
Sabi ni @metmetty, “There’s nothing quite as special as the unique and unbreakable relationship between a mother and her daughter. Mothers want what’s best for their children and daughters look up to their mothers for inspiration and advice.
“The relationship may shift and change as time goes on but one thing always remains the same: the unconditional love that they have for each other.”
Naniniwala si @isangconday na kahit anong mang-yari ay mag-ina ang dalawa, “Sa dulo ang mag ina hindi mag iiwanan, spritually and mentally. We love you both.”
Gayun din si @gigisarah_usa, “Baliktarin man ang Mundo ang pag mamahal maning mga ina ay hangang sa dulo nang wlang katapusan.”
Samantala, pagkatapos ng world premiere ng “Asian Persuasion” ay uuwi naman ng Pilipinas si KC para paghandaan ang nalalapit na “Dear Heart” concert ng magulang niyang sina Gabby Concepcion at Sharon dahil may partisipasyon siya at higit sa lahat istorya ito ng buhay niya kaya dapat nandoon siya.
Related Chika:
Hugot ni KC sa pagiging anak ni Sharon: ‘Ako ang panganay niya, malalaman din ni Mama kung gaano ko siya kamahal pagdating ng panahon’