MALA-ROLLER coaster ride ang tiyak na mararamdaman ng moviegoers sa dalawang pelikula na showing na ngayon sa mga sinehan.
Ito ang comedy adventure film na “Strays” under ng Universal Pictures International, at ang action film na “Equalizer 3” na mula naman sa Columbia Pictures.
Ang bida sa “Strays” ay ang American actor na si Will Ferrell na bibigyang-buhay ng kanyang boses ang isang Border Terrier dog na si “Reggie.”
Ang kwento ng pelikula ay iikot mismo kay Reggie na inabandona ng kanyang amo na si Doug na ginagampanan ng kapwa-actor na si Will Forte.
Tiyak na nakakaantig ang kwento nito na tungkol sa pagkakaibigan, pagmamahal at kahalagahan ng buhay.
Bukod sa dalawang Will, ang ilan pa sa mga bumubuo ng cast ng pelikula ay sina Jamie Foxx, Isla Fisher, Randall Park, Josh Gad, Harvey Guillën, Rob Riggle, Brett Gelman, Jamie Demetriou at Sofia Vergara.
Baka Bet Mo: Pasig City may scholarship program para sa college students, paano nga ba makakuha?
Sa kabilang banda, muling makikipagbakbakan sa action scene ang American actor na si Denzel Washington makalipas ang halos limang taon.
Muli niyang pinagbidahan ang huling yugto ng iconic film na “The Equalizer” bilang si Robert McCall.
Ang kwento ng pelikula ay tungkol naman sa pagbabagong buhay ni Robert mula nang iwan ang pagiging assassin ng gobyerno.
Mapapanood din sa trailer ng pelikula na umuwi siya sa kanyang tahanan sa Southern Italy, ngunit natuklasan niya na ang kanyang mga kaibigan ay nasa ilalim na ng kontrol ng isang mafia.
At para mailigtas ang kanyang mga kaibigan ay kailangan niyang harapin ang mapanganib na grupo.
Matatandaang taong 2014 nang ipinalabas ang unang kabanata nito, habang ang mga sumunod na chapter ay noon pang 2016 at 2018 na parehong pinagbidahan ni Denzel.
Related Chika: