‘CIA with BA’ muling pinatunayan ang kahalagahan ng relasyon, hugot ni Boy Abunda: ‘Kung ano ang kayang pag-usapan, pag-usapan’

‘CIA with BA' muling pinatunayan ang kahalagahan ng relasyon, hugot ni Boy Abunda: 'Kung ano ang kayang pag-usapan, pag-usapan'

ANG sikat na kasabihang “love thy neighbor” ang naging takeaway ng award-winning TV host na si Boy Abunda mula sa kasong tinalakay kasama ang magkapatid na senador na sina Alan Peter at Pia Cayetano sa pinakahuling episode ng “CIA with BA.”

Sa segment na “Case 2 Face” nitong Linggo, Setyembre 10, inireklamo ni Berly Nieves ang nakatatandang kapitbahay na si Trinidad Barientos dahil sa ilang beses na pananakit nito di umano sa kanyang anak.

Mariin naman itong itinanggi ni Trinidad. Subalit habang may karapatan siyang magsampa ng kaso, mas nangibabaw ang relasyon at pagmamahal ni Berly kay Trinidad, na itinuring niya na ring parang tunay na ina.

“Kung ano ang kayang pag-usapan, pag-usapan,” ani Boy Abunda habang pinagninilayan ang kanilang kwento.

Naalala naman ni Sen. Alan ang isang parte sa Bibliya na nagsasabing, “ang tao, hindi ginawa para sa batas.. ang batas ang ginawa para sa tao.”

Ang tinutukoy niya ay ang Bible verse na “1 Timoteo 1:9” kung saan nakasulat na: “Alam natin na hindi itinalaga ng Diyos ang kautusan para sa mga matuwid kundi para sa mga hindi kumikilala sa kautusan ng Diyos, sa mga mapanghimagsik, sa mga hindi kumikilala sa Diyos, sa mga makasalanan, sa mga hindi banal at mga mapaglapastangan sa Diyos, para sa mga pumapatay ng kanilang ama o ina, at para sa mga mamamatay-tao.”

Baka Bet Mo: Payo ng ‘CIA with BA’ sa mga tatay na patuloy na nagsasakripisyo para sa pamilya: ‘Laban lang!’

“Kung titingnan mo, nu’ng binabasa ko kung ano ‘yung batas sa child abuse… pero nu’ng nakita mo na sila (Berly and the older woman), it’s not about the law e, ‘di ba?” pagpapaliwanag niya.

“It’s about ‘yung tao e, ‘yung relationship nila, kung paano kakausapin, paano ipapaliwanag…human relations pa rin talaga,” aniya pa.

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palagpasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA.

Related Chika:
Pagmamahal sa pamilya sa kabila ng reklamo at intriga namayani sa ‘CIA with BA’

‘Ganda ng attitude niya!’… ‘CIA with BA’ hosts bumilib sa pananaw sa buhay ng inireklamong nanay

Read more...