Klarisse de Guzman naiyak dahil sa kalagayan ng mga magulang: ‘Natatakot akong maiwan mag-isa’

Klarisse de Guzman naiyak dahil sa kalagayan ng mga magulang: 'Natatakot akong maiwan mag-isa'

Klarisse de Guzman

HINDI napigilan ng Kapamilya singer na si Klarisse de Guzman ang mapaluha nang magkuwento tungkol sa pinagdaraanan ngayon ng kanilang pamilya.

Matinding takot ang nararamdaman ngayon ni Klarisse dahil sa karamdaman ng kanyang mga magulang kasabay ng pag-amin na hindi pa siya handang maiwan mag-isa sa buhay.

Naging madamdamin ang guesting ni Klarisse sa “Magandang Buhay” kahapon, September 12, kung saan binigyan siya ng birthday surprise ng programa.

Pagbabahagi ng dalaga, nasa tour siya sa ibang bansa nang isugod sa ospital ang kanyang tatay. Halos dalawang buwan itong na-confine at patuloy na nakikipaglaban sa kumplikasyon ng diabetes.


“As in ni-revive si Papa. Hindi ko alam ang gagawin ko sa ibang bansa. Ang ginawa ko pumunta ako sa CR, doon ako umiyak mag-isa.

“Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang mama ko hindi rin naman okay. So ang hirap. Ang hirap ng pagsubok na ‘yon,” simulang kuwento ni Klarisse.

Baka Bet Mo: Angeline napikon nga ba sa viral ‘napadaan lang’ blooper sa ASAP habang kumakanta sina Jed at Klarisse?

“Actually until now hindi pa rin okay. Nakalabas na ang papa ko after two months but still ang dami pang kailangang gawin at nagda-dialysis siya three times a week ngayon.

“So sobrang hirap. Same din sa mama ko. Pareho sila ng sakit. Complication ng diabetes, so kidney ang tinamaan. Natatakot ako na maiwan mag-isa,” pag-amin ng singer.


Sa gitna ng kinakaharap na mga pagsubok, may pagkakataon daw na kinukuwestiyon din niya ang Diyos, “Sabi ko nga minsan tinatanong ko si Lord. Sabi ko, ‘Lord, isa-isa lang.'”

Kaya naman ang kanyang kaisa-isang birthday wish ay ang tuluyang paggaling ng kanyang mga magulang.

“Hiniling ko rin kay Lord na maraming-maraming time pa na makasama ko ang mga parents ko. More more birthdays na kasama ko sila. Lord, please heal them para na rin po sa akin,” sey ni Klarisse.

Nagpasalamat din ang dalaga sa kanyang tatay-tatayan sa showbiz na si Mitoy Yonting na produkto rin ng “The Voice”. Personal talaga itong nagtungo sa studio ng “Magandang Buhay” para batiin siya.

Samantala, very soon ay maglalabas na ng bagong album si Klarisse, “Actually nagre-recording po ako ng album ko, next album. Aabangan po nila ‘yon kung ano pa ang mga ipapakita ko.”

Incidentally, magse-celebrate rin si Klarisse ngayong 2023 ng kanyang 10th anniversary sa showbiz industry.

Klarisse de Guzman waging ‘YFSF 3’ grand champion; nanalo ng P1-M at house & lot

Klarisse de Guzman walang awang ‘pinatay’ sa socmed: ‘Buhay na buhay ako, nagti-TikTok po ako’

Read more...