Coco Martin game na game na nagpa-selfie sa Pinoy fans sa Italy: ‘Hindi tulad ng 2 artista diyan na dedma at dire-diretso lang’

Coco Martin game na game na nagpa-selfie sa Pinoy fans sa Italy: 'Hindi tulad ng 2 artista diyan na dedma at dire-diretso lang'

Coco Martin

SOBRANG na-appreciate ng isang guy fan ang gesture ni Coco Martin na magpa-picture sa fans nang palabas na siya ng isang hotel sa Italy.

Nasa Milan ang grupo ni Coco dahil  kabilang sila ni Lovi Poe na nag-perform para sa ASAP Natin ‘To last Sunday.

Sa kanilang paglabas sa venue, talagang dinumog si Coco. Kitang-kita sa isang Instagram post ang pagkagiliw niya sa kanyang fans na mostly female dahil hindi sila inisnab ni Coco na talagang nagpa-selfie sa kanila.

“Buti pa si si idol Coco Martin tumitigil para magpa-picture, hindi gaya ng iba dire-diretso talaga. May dalawa po diyang ano, talagang hindi makapagpa-picture, dire-diretso. Ito talaga, si Coco Martin nagpa-picture sa amin saka ‘yung iba,” say na male fan sa IG video na napanood namin.

“Meron talagang ano, mataas na pero ito, very humble si Coco Martin,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Maris Racal hindi makapaniwalang umabot sa Italy ang pelikulang ‘Where Is The Lie?’

Sa IG video rin namin napanood ang “ASAP” performance ni Coco na live kumanta kasama ang dalawang rapper na kasama niya sa “Batang Quiapo”.

Isang Pinoy rock and roll medley ang kanilangbinanatan na click na click sa mga manonood.


Kasama ring nag-perform ni Coco si Lovi Poe na gumaganap na Mokang sa “Batang Quiapo”.

Before going to Milan ay nakausap pa ng TV Patroller na si MJ Felipe si Coco. Sinabi ni MJ na tila walang kapaguran si  Coco dahil nakuha pa nitong dumayo ng Italy para mag-perform.

“Siguro ano po ito, pagmamahal. Mahal na mahal ko ‘yung ginagawa ko. Mahal na mahal ko ‘yung mga Pilipino kasi hindi naman mababago ang buhay ko kung hindi dahil sa kanila, eh.

“Binabalik ko lang ‘yung blessing na ibinibigay nila sa akin,’yung pag-appreciate nilasa akin. Dahil sa kanila ay nabago ko ang buhay ng buong pamilya ko.

“At ngayon, ito lang ‘yung kakayanan ko para makapagpasalamat sa kanila. Kaya nga sabi ko, kahit galing kami ng taping, parang ano, pumikit lang ako  Milan na. Pagpikit ko uli back to taping na,” say ni Coco.

Pasabog ang season two ng “Batang Quiapo” dahil nalaman na ng character ni Christopher de Leon na anak niya si Tanggol (Coco Martin) at hindi si David  (McCoy de Leon) na nagpanggap na Tanggol.

Chito Miranda nag-sorry sa mga fans na nabigong magpa-picture sa kanya sa NAIA: ‘Medyo aligaga lang kami ni Neri’

Albert Martinez ‘apakagwapo’ pa rin kahit senior citizen na; ‘The Iron Heart’ ni Richard magsu-shooting sa Italy

Read more...