Andrea Brillantes tinuksu-tukso matapos magpa-picture sa MVP ng 2023 FIBA World Cup, inokray ng mga bastos na netizens

Andrea Brillantes tinuksu-tukso matapos magpa-picture sa MVP ng 2023 FIBA World Cup, inokray ng mga bastos na netizens

Andrea Brillantes at Dennis Schroder

PINUTAKTI ng iba’t ibang reaksyon ang ipinost na mga litrato ni Andrea Brillantes sa social media na kuha sa 2023 FIBA Basketball World Cup sa SM Mall of Asia Arena kamakailan.

Very obvious ang kaligayahang nararamdaman ng dalaga nang manood siya ng laro sa naturang International basketball league kasama ang ilang celebrity friends.

Sa mga nakita naming pictures na ibinahagi ni Andrea sa kanyang Facebook account, makikitang kasama niya ang ka-loveteam sa seryeng “Senior High” na si Kyle Echarri, at ang bagong kasal na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Ka-join din nila ang dalawa sa “ABCD Girls” na sina Bea Borres at Criza Taa. Wala sa mga litrato ang isa pa nilang kagrupo na si Danica Ontengco.


Sey ni Andrea sa caption ng kanyang mga litrato sa 2023 FIBA Basketball World Cup, “Unforgettable moments at the second FIBA World Cup in the Philippines!

“Thank you FIBA, for bringing this historic event to our country! What an experience! FIBA Basketball World Cup #fibawc,” ang mensahe pa ng Kapamilya star.

Pero ang talagang napansin ng mga netizens sa FB post ng dalaga ay ang picture nila ni Dennis Schroder, ang itinanghal na MVP sa 2023 FIBA Basketball World Cup mula sa Germany.

Tinuksu-tukso nila si Andrea at muling naungkat ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Ricci Rivero na isa ring cager. Narito ang ilan sa mga komento ng FB followers ni Andrea.

“Parang naghahanap ng basketball player na gusto maka date.”

Baka Bet Mo: Jake pinuri si Andi bilang mommy ni Ellie, tinawag pang MVP

“Ka hilig nmug basketball players.”

“Ingat ka palagi lab. Wag kana paloko sa mga basketbolista. Dito ka na lang sa security guard. Sinisiguro ko sayong secured ka mahal ko at di ka masasaktan.”

“Laban Pilipinas!”

“Huwag na muna Andrea rest ka muna.”


“Hiligag basketball players indae uy.”

“Mahilig talaga c miss Andrea Brillantes  sa mga shooter.”

“Huma hunting ka lang ng bagong jowa jan eh. Hahahaha.”

“Akala koba ayaw Mona ng bola  bakit nanuod kapa ng basketball hmmm or baka gusto mo Lang makita Yung ex mo Jan kc nanjan din. Yung ex bf mo Hahaaha.”

May ilan namang nagtanggol kay Andrea at nakiusap na huwag bigyan ng kulay at malisya ang pagpapa-picture ni Andrea sa naturang basketball player.

“Nagpa-pic lang isyu na?”

“Toxic ang comment section, grabe.”

“Tigilan n’yo na si Blythe.”

“The amount of people here in the comment section who are sexualizing Andrea disgusts me.”

Manny Pangilinan sa pagpasok ng TVJ at sa pamamaalam ng Showtime sa TV5: ‘Purely business decision at hindi kami nagkulang sa pagtulong sa ABS’

Pinoy rappers Alisson Shore, Waiian ‘eeksena’ sa Basketball World Cup, may collab kasama ang ilang int’l artists

Read more...