Izzy Trazona miss na ang anak na si Drei, inaming may pagkakataong hindi sila pagkakaunawaan: All I want is for your best

Izzy Trazona miss na ang anak na si Drei, inaming may pagkakataong hindi sila pagkakaunawaan: All I want is for your best

USAP-USAPAN ngayon ang mahabang mensahe ng dating Sexbomb singer at dancer na si Izzy Trazona para sa kanyang panganay ns anak na si Drei.

Kamakailan lang nang pasukin na ng kanyang anak ang mundo ng pagda-drag at nagpakilala ito sa publiko bilang si Sofia.

At makalipas nga ng ilang araw ng pagiging drag performer ni Drei na may drag name bilang si Sofia na ngayon, isang mahabang mensahe ang isinulat ni Izzy sa kanyang Facebook page para sa anak.

“I miss you Drei, you’re always in my prayer..everyday. I love you so much. And that will never be changed,” panimula niya.

Ani Izzy, may mga pagkakataon talaga na hindi sila nagkakaunawaan ngunit alam niyang normal lang ito.

“But I know both sides have that pain in their [heart] and wishes that they will just simply agree [with] each other. Both have their own reason of what they are fighting for,” pagpapatuloy pa nito.

Amin pa ni Izzy, kahit siya ay naranasan niya ang magkaroon ng argumento sa kanyang ina kung saan nasasabihan siya ng mga “no” sa kanyang mga desisyon na ikinatampo at ikinasama rin ng kanyang loob.

“I myself, experience being a daughter to my parents, I have a lot of things in mind to do, but my mom will keep on saying “no”. Ofcourse sadness & hatred is what I felt, and later did I know, that she is just protecting me.

Baka Bet Mo: Anak ni Sexbomb Izzy  Trazona super proud drag queen: ‘Wala siyang judgment kahit anong pagpapa-sexy ko! Get! Get! Aw!’

“Back then all I see is her angry face, but now I realized that it is LOVE. I thought that mom doesn’t want me to be happy, but she is just concern that in the end of it all. I won’t get hurt [with] my decisions,” pagbabahagi pa ni Izzy.

Naikuwento rin nito ang minsang tampuhan nila ni Drei kung saan sinabihan siya nitong “You’ll never know what I feel kasi you we’re never in my shoes” dahil sa hindi nila pagkakaunawaan.

Sey ni Izzy, “Yes, I agree, same with me, hindi mo parin naman nararanasan maging magulang. All I want is for your best. Im holding on with the TRUTH that is written in the bible, the word of God. The One who created us.

“Nandon kasi ako sa ending ng lahat ng ito, Heaven & earth will pass but my words will not pass away(Matt 24:35)”

Base sa itinatakbo ng mensahe ni Izzy, mukhang hindi nito suportado ang naging desisyon ng kanyang anak na maging isang drag queen dahil may sinasabi itong “against the faith I have in Christ”.

“So if my children, the 4 of them, will do something that is against the faith that I have in Christ, that will I disagree. I point them to Jesus because with that I will be secured with their future. The best I know I can give to my children, more than richness, fame and all.

“Putting my hope on what Jesus did on the cross for me, paid the consequence of my sin. Instead of me paying it. Sin will bring me to eternal death, hell. But He saved me. By believing and surrendering my life to that truth,” sabi pa ni Izzy.

Aniya, wala rin daw magulang ang nanaising mapahamak ang anak at nais lang nitong isalba ang anak sa masakit na pwede nitong maranasan at ayon sa kanya, ito ay ang buhay na wala si Kristo.

Hirit pa ni Izzy, “Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you. I am always here for you…your mama, mahal na mahal kita.”

Kumbinsido naman ang mga netizens na kaya ito nagkaroon ng open letter sa anak ay dahil hindi nito suportado ang pagpasok nito sa mundo ng drag.

Bago pa man ang desisyon ni Drei na maging drag queen ay nauna na itong mag-out kina Izzy na suportado naman ng huli.

Sa katunayan, marami silang TikTok videos na pinagsamahan noon kung saan iba’t ibang mga kanta ang kanilang sinayaw together.

Samantala, bukas naman ang Bandera para sa paglilinaw ni Izzy hinggil sa kanyang mga pahayag para sa panganay na si Drei.

Related Chika:
Tetay, Buboy, Sexbomb Izzy Trazona sumabak sa Zumba showdown

Read more...