Vice Ganda, Ion Perez sinampahan ng kasong kriminal ng ‘social media broadcasters’ dahil sa ‘pagsubo ng icing’

Vice Ganda, Ion Perez sinampahan ng kasong kriminal ng 'social media broadcasters' dahil sa 'pagsubo ng icing'

Ion Perez at Vice Ganda

KASONG kriminal na ang isinampa ng isang grupo laban sa mag-partner na Vice Ganda at Ion Perez kaugnay pa rin ng umano’y “indecent acts” na ginawa nila sa “It’s Showtime.”

Pagkatapos ngang magpahayag ng suporta ang Christian Coalition Movement (CCM) sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa naging desisyon nitong patawan ng 12-day suspension ang “It’s Showtime” ay may bagong grupo ang kumastigo kina Vice at Ion.

Nakatanggap ang BANDERA ng official statement mula sa Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI), hinggil sa pagsasampa nila ng kaso laban kina Vice at Ion.


Ito’y may konek pa rin sa pagsubo ng magkarelasyon ng icing gamit ang kanilang daliri sa “Isip Bata” segment ng “It’s Showtime” noong July 25.

Ilang miyembro ng grupo, sa pangunguna ni Atty. Leo Olarte, ang nagtungol sa Quezon City Prosecutor’s Office nitong Lunes, September 11, para pormal na magsampa ng reklamo laban sa dalawang host ng “It’s Showtime.”

Ayon sa KSMBPI, kasong paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code—na may kinalaman sa Section 6 ng Article 201 at sa Republic Act No.10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012, ang isinampa nila laban kina Ion at Vice.

Baka Bet Mo: Carmina boto ba kina Darren at Kyline para kina Cassy at Mavy?


Kamakailan lamang ay nagpahatid ng suporta ang naturang organisasyon sa MTRCB kasabay ng pakikipag-meeting nila kay Chairperson Lala Sotto. Handa raw silang makipagtulungan sa ahensiya upang mapigilan at maiwasan ang mga immoral content sa noontime show sa TV.

Sa isang post ng KSMBPI, makikita ang mga litrato ng miyembro nito at ni Chair Lala na may caption na, “Signing of the Memorandum of Agreement between SPIN MEDIA and the Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. at the National Office of MTRCB last August 24, 2023 followed by a special meeting with MTRCB Chairperson Lala Sotto discussing the proliferation of immoral contents in some of the noontime TV shows and how we can support MTRCB in raising the public awareness and action to address moral decay in the entertainment industry. SPIN MEDIA now is an official affiliate of KSMBPI.”

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag nina Vice at Ion pati na ng ABS-CBN at buong production ng “Showtime.” Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang pahayag ang mga taong involved.

Cristy Fermin umalma sa mga tumatawag ng ‘kriminal’ kay Vhong Navarro: Tabi-tabi naman po!

Luis, Jessy alam na ang magiging itsura ng anak; may naisip na ring pangalan para sa baby

Read more...