Kaye Abad sa viral video kasama ang maraming bodyguards: Hindi po sa akin ‘yun

Kaye Abad sa viral video kasama ang maraming bodyguards: Hindi po sa akin 'yun
NAGING laman ng usap-usapan ang aktres na si Kaye Abad matapos mag-viral ang kanyang video kung saan makikitang sangkatutak ang nakaalalay sa kanyang bodyguards habang naggo-grocery.

Isang video clip ang in-upload ng user na si @nemgarcia2020 sa TikTok kung saan makikita ang “Tabing Ilog” actress kasama ang mga anak nitong namimili habang pinalilibutan ng guards sa isang supermarket sa Cebu.

Marami kasi sa mga netizens ang napataas ang kilay dahil “OA” raw sa dami ang nakapalibot kay Kaye gayong hindi naman na raw ito dudumugin at pagkakaguluhan.

Kaya naman agad na nagpaliwanag ang aktres ukol sa totoong kuwento upang matigil na rin sa pangbe-nega at pang-ookrayng mga tao laban sa kanya.

“I’m always alone when I do groceries. Or sometimes kasama ko ang kids. Pero walang bodyguards,” saad ni Kaye sa pamamagitan ng isang Instagram story.

Nilinaw rin niya sa radio host na si DJ JhaiHo na hindi kanya ang mga unipormadong kalalakihan na kasama niya sa video bagkus ipinadala lamang ito ng supermarket nang makipag-collab ito sa kanya.

Baka Bet Mo: Kaye Abad nagluluksa sa pagpanaw ng lola: ‘Sobrang sakit…ang dami kong mami-miss sa ‘yo’

“I explained it on my social media na I did a collaboration with this supermarket. And then, so nagpadala sila ng bodyguard, the bodyguards work for the supermarket and then I told them na hindi ko na kailangan ng bodyguards kasi yun mga Cebuano sanay naman na sakin na nag-iikot-ikot lang ako sa mall mag-isa,” pagpapaliwanag ni Kaye.

Ngunit nag-insist lang ang mga ito dahil inutos raw sa kanila ito kaya napa-“okay” na lang ang aktres.

“So yung nag-viral, hindi po sa akin yung bodyguards na ’yun, sa supermarket po,” giit pa ni Kaye.

Sa ngayon ay burado na ang naturang viral TikTok video ni Kaye kasama ang mga bodyguards sa supermarket.

Related Chika:
Kaye Abad gusto munang karirin ang pagiging nanay, babalik lang sa showbiz kung…

Kaye umaming nagkagusto noon kay Paolo; gustung-gusto nang bumalik sa showbiz, pero…

Read more...