Joross Gamboa ayaw mag-showbiz noon dahil nababaduyan sa mga artista; bakit nga ba tinawag ni Boy Abunda na ‘iced tea na walang ice?
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Boy Abunda at Joross Gamboa
DIRETSAHANG sinabi ng aktor na si Joross Gamboa na nababaduyan siya noon sa mga artista kaya ayaw niyang pasukin ang mundo ng showbiz.
Inalala ni Joross sa Monday episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kung paano nagsimula ang kanyang acting career at kung bakit hindi niya feel ang maging artista nu’ng medyo bata-bata pa siya.
Unang binalikan ni Joross ang pagsali niya sa reality artista search ng ABS-CBN na “Star Circle Quest” kung saan naging mentor niya si Tito Boy. Ka-batch dito ng komedyante sina Sandara Park, Neri Naig, Romance Guinoo at Hero Angeles na siyang itinanghal na Grand Questor.
Nabanggit muna ni Tito Boy ang sinabi niya noon kay Joross na may konek sa “iced tea.”
“Alam mo Joross para kang ____?” ang tanong ni Boy kay Joross na dinugtungan ng aktor ng, “Iced tea na walang ice.”
Sabi pa ni Joross, “Pero Tito Boy sa 19 years na ‘yun naintindihan ko ‘yung sinabi n’yo kung bakit ako iced tea na walang ice.”
Sumunod na tanong ng award-winning TV host, kung totoo bang ayaw niya noon sa mundo ng showbiz, mabilis na tugon ni Joross, “Yes, Tito Boy.”
“Halata naman ‘yun kaya lagi niyo akong napapagalitan. Ako ‘yung numero unong pasaway.
“Dahil before nababaduyan ako sa mga artista, na parang nagpapa-cute parang ganu’n. Mas gusto ko lang maging model, yung naka-pose ka lang walang emosyon,” pagpapakatotoo ni Joross.
“Noong time kasi na ‘yun pupunta rin ako ng US para mag-nursing, to be a nurse there. So, ayun parang laro lang sa akin before. Pero, nag-grow sa akin ‘yung industry and minahal ko talaga,” paliwanag ng aktor.
At nang magsimula na siyang magtrabaho bilang artista, “Sa akin Tito Boy actually dahil wala akong knowledge about entertainment industry that time, hindi ko kilala ‘yung mga artista.
“So, ‘di ba, may ganu’ng mentality na parang, ‘Ay Hollywood lang ang gusto mo.’ Pero natutunan ko noong napasok ko na ‘yung industriya, ‘Ay iba pala ‘to, iba ‘yung lalim, iba ‘yung kultura,’” sey pa ng aktor na napapanood ngayon sa GMA Afternoon Prime series na “The Missing Husband” na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi at Rocco Nacino.
Kasama rin siya sa Metro Manila Film Festival 2023 entry nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na “Rewind.”