Ethel Ramos
SUMAKABILANG-BUHAY na ang talent manager at veteran entertainment columnist na si Ethel Ramos kahapon, September 10. Siya ay 87 years old.
Nagluluksa ngayon ang buong showbiz industry sa pagpanaw ng tinaguriang “Dean of Entertainment Writers” na isa rin sa kilalang talent manager ng mga naglalakihang celebrities sa Pilipinas.
Ayon sa official statement ng pamilya ni Manay Ethel, 5:38 p.m. kahapon nang bawian siya ng buhay. Wala pang ibinigay na dahilan tungkol sa kanyang pagpanaw.
Narito ang official na pahayag ng kanyang pamilya.
“It is with a heavy heart that we announce the passing of our dearest Tita Ethel Ramos today, September 10 , 5:38 p.m. She was 87.
Baka Bet Mo: Hugot ni Bea sa mga lalaki: Hindi ako mahilig makipaglandian sa trabaho…
“The family requests for prayers at this time of great sorrow and grief.
“Godspeed, Dean.
“We love you. You will be sorely missed,” ang buong mensahe ng naulilang pamilya ni Manay Ethel gamit ang hashtag na “#RestinPeaceTitaEthel.”
Kasunod nito, naglabas din ng ilang detalye ang pamilya ng yumaong talent manager tungkol sa kanyang wake
“The remains of our beloved Tita Ethel Ramos will lie in state at Room 301 of the Nacional Chapels and Crematory (formerly Funeraria Nacional) on Araneta Avenue starting today, Monday, Sept. 11, until Wednesday, Sept. 13.
“Friends and family who wish to pay their last respects may do so beginning 2 p.m.
Daily mass is at 6 p.m.
“Cremation has been scheduled 12 noon on Thursday, Sept. 14.
“Maraming salamat po sa lahat ng pagmamahal at pakikiramay.”
Ilan sa mga pinasikat na artista ni Manay Ethel bilang talent manager at publicist ay sina Aga Muhlach, Bong Revilla, Ina Raymundo, Claudine Barretto at Angel Locsin.
Kris Aquino nagpakumbaba kay Cristy Fermin: Napakasarap sa pakiramdam
NBI inilabas ang mugshots ni Vhong Navarro matapos ang boluntaryong pagsuko