PAGASA: 2 LPA magpapaulan sa bahagi ng bansa, pero hindi magiging bagyo

PAGASA: 2 LPA magpapaulan sa bahagi ng bansa, pero hindi magiging bagyo

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

DALAWANG sama ng panahon ang kasalukuyang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Pareho itong Low Pressure Area o LPA na ang isa ay nasa loob ng bansa at kasalukuyang nasa 875 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.

Ang isa naman ay nasa labas pa ng ating Philippine Area of Responsibility (PAR) na nasa layong 1,960 kilometers East Northeast ng Eastern Visayas.

Ayon sa PAGASA, magdudulot ng mga ulan ang dalawang LPA pero hindi naman inaasahan na magiging bagyo ang mga ito.

“Pareho po natin na hindi inaasahang magiging bagyo or maliit ‘yung tsansa na maging bagyo itong dalawang Low Pressure Area,” sey ni Weather Forecaster Obet Badrina sa press briefing ngayong September 11.

Baka Bet Mo: Pinoy fashion model-host na si Chris Wycoco nakamit na ang ‘American Dream’, nais makatulong sa mga kapwa Filipino sa US

Ani pa niya, “Bagamat itong nasa labas ay nagpapalakas ng Habagat na siyang nakakaapekto, partikular na dito sa bahagi ng Mindanao.”

“Habang ‘yung trough o extension nitong Low Pressure Area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility inaasahan natin na magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan,” paliwanag pa ni Badrina.

Base sa latest weather bulletin ng ahensya, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa “trough” o extension ng LPA.

Gayundin ang mararanasan na panahon sa Zamboanga Peninsula, pero ito ay dulot naman ng Hanging Habagat o Southwest Monsoon.

Makararanas din ng mga pag-ulan ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa dahil naman sa pinagsamang epekto ng Habagat at localized thunderstorms.

Read more:

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal nang idineklara ng PAGASA

Read more...