Billy, Coleen naiintindihan ang mga bashers sa socmed: ‘Sometimes they mean well, you need to be open also to corrections’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Billy Crawford, Coleen Garcia at Amari
MAY conscious effort ang celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia na maging maingat sa paggamit ngayon ng social media.
Aware ang mag-asawa na hindi lahat ng ipino-post nila sa kani-kanilang socmed accounts ay sinasang-ayunan ng kanilang mga followers dahil hindi naman talaga mawawala ang bashers at haters.
Naiintindihan naman daw ng mag-asawa ang kalakaran at sistema ngayon sa socmed at alam nila na magkakaiba ang pananaw ng mga netizens sa mga isyu at kontrobersya.
Pero ayon kay Billy, nakakalungkot lang na mas dumarami pa ang mga namba-bash at nambabastos para lang makapanakit at makapangharas ng ibang tao.
“It’s hard because a lot of people will deliberately attack other people just to see people in pain, just to see others suffer,” pahayag ni Billy sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”
Sey naman ni Coleen, sa gitna ng pagiging toxic ng social media ay natuto na rin siyang balansehin ang mga ibinabahagi niya sa kanyang mga followers and supporters.
“It’s tricky Tito Boy because to be very honest, a lot of my work comes from social media, so I have to be active, I have to keep up whatever I’m doing.
“Honestly I don’t get to post nowadays because of that pressure like, I don’t know, I feel it also. I think everybody does feel it.
“Like, is what you’re gonna post going to be dissected? Kasi minsan ‘di ba, you post something harmless and then kapag tingin mo sa comments, people have so many things to say,” pahayag ng aktres.
Hangga’t maaari raw ay ginagawa nilang pribado ang kanilang buhay kahit na medyo “open book” na ang kuwento ng personal na buhay nila ni Billy.
“But it’s tough kasi it’s part of our work eh,” ani Coleen.
Hirit pa ni Billy, magkakaiba ang reaksyon at pagtanggap ng mga tao sa mga post ng mga tulad nilang celebrity.
“Everyone translates everything differently. Magkakaiba ang tao. Kahit paano iba ang ‘Gu,’ ang tawag nila in French, iba ang taste.
“Everyone has their own tastes and everyone, iba-iba rin ‘yung patience nila for sensitivity, for certain topics,” sey pa ng isa sa mga coach ng “The Voice Generations” sa GMA 7.
“Kasi ang daming puwedeng pag-usapan pero ang dami ring puwedeng ma-offend, pero ang dami ring puwedeng matuwa. So it’s still a balance,” chika pa ni Billy.
Ayon pa sa mag-asawa, may pagkakataon na nagbabasa rin sila ng mga comments sa social media. Sey ni Billy, “I guess we are not emotionally attached.”
“Not as much as before,” sey naman kay Coleen.
Pagpapatuloy pa niya, “Also try to look at it in a more positive light. I have learned so much also, sometimes from people who mean well and who tell us ‘parang mali itong ginagawa mo.’
“I have learned a lot that way also and I have grown, and I have learned to be more considerate also for different types of people around me rin.
“So it helps also to hear them out sometimes when they are not just straight up bashers, they are not haters. Sometimes they mean well, you need to be open also to corrections,” chika pa ni Coleen.