Vice Ganda basag na basag kay Juan Ponce Enrile: ‘Akala mo maganda ang ginagawa mo…bastos ka, bastos kang tao!’

Vice Ganda basag na basag kay Juan Ponce Enrile: 'Akala mo maganda ang ginagawa mo...super bastos ka, bastos kang tao!'

Juan Ponce Enrile at Vice Ganda

BINARAG ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang TV host-comedian na si Vice Ganda dahil sa umano’y sobrang kabastusan nito.

Ito’y kaugnay pa rin ng nagawang violation ng komedyante at ng partner niyang si Ion Perez sa kanilang programang “It’s Showtime” sa ABS-CBN.

Nagkomento si Enrile matapos patawan ng 12-day suspension ang “It’s Showtime” ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil nga sa pagsubo nina Vice at Ion Perez ng icing gamit ang kanilang daliri sa “Isip Bata” segment ng programa noong July 25.

Paglalarawan ng abogado ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. “salacious” ang ginawa ni Vice sa nasabing segment at ang malala pa ay may kasama sila ni Ion na mga bata na napanood on national TV.

“Ang problema dito sa bansa natin kung meron kang power, political, social, economic or whatever, halos hindi mo na iniisip ‘yung kapwa,” ang pahayag ni Enrile sa programa niya sa SMNI News last Saturday.

Baka Bet Mo: Jerome Ponce ‘walang-wala’ na raw kaya kapit kay Darryl Yap, pinalagan ang netizen

Patuloy pa niyang pambabasag sa komedyante, “Ang binigay na katangian mo sa lipunan ay hindi mo na tinitingnan ang kapakanan nu’ng mga iba.


“Sarili mo na lang ang iniisip mo. Akala mo maganda ang ginagawa mo, pero bastos ka, bastos kang tao!” dugtong pa ng dating senador.

Sabi pa ni Enrile, matagal na niyang napapanood si Vice sa TV at kahit kailan at hindi niya gusto ang style nito sa pagpapatawa.

“Hindi lang walang decency kundi abusado. Alam ko na mapagpatawa yang binabanggit mo na babae (Vice) magmula pa ng araw ganyan na yan… you’re earning your living and popularity sa kabastusan,” sey pa ni Enrile.

Matatandaang nanindigan ang ABS-CBN na walang nilabas na batas ang nasabing noontime show kaya aapela sila sa MTRCB para mabago ang resolusyon.

Kung ibabasura naman ang kanilang motion for reconsideration, maaari pa silang umapela sa Office of the President.

Anak ni JPE na si Katrina Enrile sasabak na rin sa politika, tatakbong kongresista sa Cagayan

Nas Daily humingi ng tulong sa Filipino vlogger para linisin ang pangalan

Read more...