Aubrey Miles lubos na nagluluksa sa pagpanaw ng ina: ‘The grief will never end’

Aubrey Miles lubos na nagluluksa sa pagpanaw ng ina: ‘The grief will never end’

Maria Perla Santos, Aubrey Miles, Troy Montero and family

MATINDING lungkot ang nadarama ng aktres na si Aubrey Miles sa pagpanaw ng kanyang ina na si Maria Perla Santos.

Wala pang detalye kung ano ang ikinamatay ng kanyang nanay.

Sa Instagram, ibinandera ni Aubrey ang ilang throwback pictures ng ina habang binibigyang-pugay ito.

Kalakip din nito ang kantang “We’ve Only Just Begun” ng The Carpenters na ayon sa aktres ay paborito nila ni Mommy Perla.

Sabi pa ng aktres, pakiramdam niya ay hindi matatapos ang lungkot na kanyang nadarama ngayong wala na siyang ina.

“Mothers don’t fear death. They’re afraid of leaving behind their children knowing that nobody will love and care for them like she did,” wika niya sa post.

Dagdag pa niya, “As an adult, the only time i feel like a child is when I’m with my mom. I will never feel that anymore. The grief will never end.”

Baka Bet Mo: Troy nag-propose na kay Aubrey sa Bora: Together 18 years, engaged 8 hours…here’s to forever with you

Maraming kapwa-artista naman ang nakiramay kay Aubrey at ilan lamang diyan ay sina Ruffa Mae Quinto, Geneva Cruz, Teresa Loyzaga, Jessa Zaragoza, at marami pang iba.

“Sorry to hear this. My deepest sympathy to your family !Condolences [bouquet emoji] love you [red heart, folded heart emojis],” sey ni Ruffa.

Komento ni Geneva, “My deepest sympathy to you and your family [white heart, folded hands emoji].”

Saad naman ni Jessa, “My dearest Aubs [heartbreak emoji] sending you love & prayers for your Family as well. Our deepest condolences [folded hands emojis].”

Ibinandera rin ng mister ni Aubrey na si Troy Montero ang kanyang pagluluksa.

Ibinahagi ni Troy ang family picture nila kasama si Mommy Perla at may caption pa itong, “Rest in Peace Mama [white dove emoji].”

Related Chika:

Geneva balik-trabaho na kahit nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng ina: We’re not alone…

Read more...