KUNG babad kayo sa social media, marahil lagi niyong napapakinggan at napapanood ang ilang dance covers ng viral smash na “LDR” ng Cebuano singer-songwriter na si Shoti.
Alam niyo ba na hindi lang dito sa ating bansa trending ‘yan.
Sa katunayan nga ay sikat din ito sa ilang streaming charts sa Southeast Asia!
Ang sped-up version ng nasabing awitin ay umariba na rin sa sa Spotify ng mga bansang Singapore, Thailand, at Malaysia na pasok sa top 49, 61 at 147, respectively.
Sa pamamagitan ng kanta, patuloy na dinadala ni Shoti ang tradisyon at kultura ng kanyang probinsya.
Katulad na lamang ng sikat niyang kanta na “LDR” na bukod sa Ingles ay may halo rin itong Cebuano na lyrics.
Baka Bet Mo: 3 tips ni Pia para sa mga LDR couple: Laging mag-usap, honest sa isa’t isa at meron kayong mga plano
At dahil nga diyan, ito ang nag-udyok sa Sony Music Entertainment na bigyan siya ng kontrata bilang bago nilang music artist.
“The Sony Music Entertainment family treats me not like a business partner but as a member of the family,” pagbabahagi ng 16-year-old pop sensation sa inilabas na pahayag ng music label.
Dagdag pa niya, “They’ve been guiding me in terms of putting my music out there and reaching as many people as I could. If we have problems, they make sure to work on them ASAP.”
At speaking of “LDR,” inilabas na rin ni Shoti ang music video nito kung saan ay tampok ang kanyang mga kaibigan.
Pagbubunyag pa ng singer, walang script at biglaan lamang ang kanilang mga ginawa sa nasabing video.
“I told our music director that I wanted something candid, just me and my friends laughing,” chika ng Cebu-based artist
Kwento pa niya, “It was super easy working with them because they are my family friends.”
As of this writing, pasok sa Top 8 YouTube’s Trending For Music chart ang usic video at umaani na ito ng mahigit 326,000 views.
Related Chika:
Bela masaya sa pakikipag-LDR sa non-showbiz dyowa: Kanya-kanya naman ng trip yan