KASABAY ng ika-10th anniversary ng “Conjuring” universe ngayong taon, muling nagbabalik sa big screen ang 2018 horror hit na “The Nun.”
Tiyak na muli kayong kikilabutan dahil masisilayan ninyo muli ang tinaguriang “greatest evil” na demon nun na si Valak!
Sa mga mahilig sa mga nakakatakot, pwede niyo nang mapanood sa mga lokal na sinehan ang pinakabagong kabanata na “The Nun II.”
Muling bibida sa pelikula ang American actress na si Taissa Farmiga, ang gumaganap sa karakter bilang si “Sister Irene.”
Iikot ang istorya sa panibago niyang iniimbestigahan kung saan ang isang pari ay marahas na pinaslang.
At dahil diyan ay muli niyang nakaharap ang powerful evil na si Valak.
Bukod kay Taissa, tampok rin sa horror movie sina Jonas Bloquet, Storm Reid, Anna Popplewell at Bonnie Aarons.
Baka Bet Mo: Anne Nelson itinama si Darryl Yap: There is nothing in it that says the nuns played mah-jongg with Cory Aquino
Sa pahayag na inilabas ng Warner Bros. Pictures, tiniyak ng direktor ng pelikula na si Michael Chaves na ibang level ng katatakutan ang aabangan sa “The Nun II.”
“I’m really excited for audiences to see this movie, and I think that it is nightmarishly scary,” sey ni Michael.
Dagdag niya, “Along with the scares, it is filled with truly unique set pieces and a compelling story that takes characters whom we love further on their journey and into really hard places while making tough choices.”
“The times that I’ve seen it with an audience have been really special and exciting, and I can’t wait for moviegoers to see this film,” ani pa niya.
Kasunod niyan ay ibinahagi rin ng direktor kung bakit mas effective pagdating sa pananakot ang katulad ni Valak.
“I think that the Demon Nun is one of those iconic movie monsters. I mean, you see it on a poster and it’s like a little bit of a throwback to Dracula. You see a little bit of Pennywise. You see a little Nosferatu. It’s so timeless and has such an iconic look,” sambit niya.
Patuloy niya, “It’s one of the ultimate horror movie icons and one of the ultimate movie villains.”
“With this film, I just wanted to take it further. I wanted to explore the manifestations. And I also just wanted to dig more into the story, or at least the myth or the theories, of what its origins could be. I think it’s really important to do that, but to never be too specific,” chika niya.
Aniya pa, “I think that part of the mystery and part of not knowing what it is, that’s really powerful. It’s what makes it truly scary.”
Related Chika: