Neri Miranda inisa-isa ang natutunang life lesson ngayong 40 na siya: ‘Wag maging gahaman…mayaman ka nga, marami ka namang kaaway’

Neri Miranda inisa-isa ang natutunang life lesson ngayong 40 na siya: 'Wag maging gahaman...mayaman ka nga, marami ka namang kaaway'

Chito Miranda at Neri Miranda

INISA-ISA ng aktres at matagumpay na negosyante na si Neri Miranda ang mga life lesson na natutunan niya ngayong 40 years old na siya.

Ngayong araw, September 7, ipinagdiriwang ni Neri ang kanyang ika-40 kaarawan at sa pamamagitan ng kanyang social media account ay ibinahagi niya sa buong universe ang mga realizations niya sa buhay.

Nag-share ang asawa ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda sa Instagram ng kanyang bikini photo na kuha sa dalampasigan.

Sa caption, tinanong niya ang sarili ng, “Ano nga ba ang life realizations ko ngayong 40 yrs old na ako?


“Kailangan nating yakapin ang mga challenges sa ating buhay with kindness. Hindi madali lalo na kapag ikaw ang naagrabyado, be kind, no matter how others act. Don’t let bad people change your good heart,” simulang pagbabahagi ng super successful businesswoman.

Pagpapatuloy pa niyang mensahe sa kanyang mga IG followers, “Don’t confuse money with true richness. Wag maging gahaman. Mayaman ka nga, marami ka namang kaaway. Hindi sukatan ang pera sa tunay na yaman. Baka mayaman ka nga sa mata ng iba, pero wala kang tunay na kaibigan.

“Sa bawat pagkakamali, may aral na kasama. Hindi na kailangan pang magsisi sa nakaraan. Ang mahalaga ay natuto ka,” lahad ni Neri.

Baka Bet Mo: 2 life lesson na natutunan ni Chie Filomeno sa PBB: Never give up and never judge people

Isa pang na-realize niya sa pakikisalamuha sa iba’t ibang klase ng tao nitong mga nakaraang mga taon, “Be with good people, cherish real friends, and set boundaries.

“Tulad ng sinabi ko sa aking libro na ‘Wais Na Misis,’ hindi laging madali para sa akin, but when life threw me lemons, hindi ako nagtago.

“Kinolekta ko ang bawat isa at ginamit sa pinakamagandang paraan – naging lemonade, lemon pie, sabon, at pampabango.

“Ano ang sunod? Binenta ko sila lahat at pinatunayan ang aking kakayahan! Hindi ako nagpatalo. Hindi madali pero kinaya at kinakaya,” pagbabahagi pa ng wais na misis ni Chito.


Aniya pa, “Ngayong kwarenta na ako, sobrang grateful at walang hanggang pasasalamat ko kay Lord dahil may pamilya akong todo ang suporta at pagmamahal sa akin, at asawang palaging nandyan para sa akin, tagapagtanggol at tagasuporta sa akin.

“Maraming salamat, Lord, sa isa pang taon na puno ng pagmamahal. Sa bawat biyaya at pagsubok ng buhay, ang aming pananampalataya sa Inyo ang siyang nagiging ilaw at gabay namin.

“Sa lahat po ng gusto akong bigyan ng gift, order po kayo ng book ko,” ang pahayag pa ni Neri Miranda.

Nauna rito, binati rin ni Chito ang asawa sa pamamagitan ng Instagram.

“Happy 40th, Ms.Neri!!!

“This pic was taken last week, at pinagmamayabang ko talaga na 40 ka na kasi you look amazing…at di pa rin ako makapaniwala kung gaano ako ka-swerte at pinakasalan ako ng ganito kagandang babae.

“Sobrang ganda, sobrang bait, sobrang sweet, at sobrang kulit…tapos inlab na inlab sa akin.

“40 ka na, baby ko….at palagi kong sinasabi sayo na excited ako tumanda kasama mo. Pangako, you will always be my baby, at aalagaan kita ng todo todo hanggang sa pagtanda.

“Happy Birthday, Ms.Neri!!! I LOVE YOU!!!

“(Midnight ko pa dapat ito ipo-post pero antok na ko at maaga pa tayo bukas eh kaya pinost ko na),” ang buong pagbati ni Chito kay Neri.

Belle Mariano inisa-isa ang mga qualities na nagustuhan kay Donny; ultimate dream ang manalo ng award sa Oscars

Carla Abellana may bagong hugot: ‘One of the hardest lessons in life is to forgive someone who was never truly sorry’

Read more...