Logo ng official YouTube account ng ‘Eat Bulaga’ binago na; mukha nina Paolo, Isko at Buboy bumandera
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Ang bagong logo ng ‘Eat Bulaga’ YouTube channel
NAIBALIK na sa pangangalaga ng Television and Production Exponents, Inc. o TAPE ang official YouTube channel ng longest-running noontime show sa bansa ng “Eat Bulaga.”
Makalipas ang ilang buwan mula nang umere ang bagong version ng “Eat Bulaga” sa GMA 7 ay muli ngang nagbabalik ang YouTube account ng programa.
Mula nang layasan ng iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ng iba pang original Dabarkads ang naturang programa ay naging inactive na ang YouTube account ng show.
Mapapanood noon sa naturang YT channel ang live streaming, one-on-one interview, short vlogs at ilan pang bonggang online content ng “Eat Bulaga” tampok ang mga kaganapan sa TVJ at ng iba pa nilang co-hosts.
Sa ngayon, iba na ang header ng channel at ang mga litrato na ng mga bagong hosts ang nakabandera kabilang na sina Paolo Contis, Isko Moreno at Buboy Villar.
Ang nakalagay na sa mismong header poster nito ay ang TAPE. Mababasa rin dito rito ang mga katagang, “Television and Production Exponents Inc., Eat Bulaga! Tahanang Pinakamasaya.”
Nakasaad naman ang “The Official Youtube Channel of the Longest Running Noontime Show in the Philippines. Eat Bulaga!” sa description ng naturang YouTube account.
May more than five million subscribers na ito at nasa 1.5 billion views na ang naka-post na mga video.
Nang bisitahin namin ang nasabing YT account ng show ay wala pang mga naka-post na bagong content, pero naroon pa rin ang mga dating vlogs ng “Eat Bulaga” na karamihan at mga videos ng “Pinoy Henyo”.