Lala Sotto hindi bumoto sa 12-day suspension ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’; hirit ni Vice sa madlang pipol: ‘We are in this together!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Lala Sotto, Vice Ganda at Ion Perez
IBINANDERA ng pamunuan ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na hindi bumoto si Chairperson Lala Sotto sa parusang ipinataw sa “It’s Showtime.”
Ito’y may kaugnayan sa 12-day suspension na ibinigay sa noontime show ng ABS-CBN dahil sa mga nagawa nitong violation nitong mga nagdaang buwan.
Kabilang na nga riyan ang pinag-usapan at viral na pagsubo ng icing nina Vice Ganda at Ion Perez sa “Isip Bata” segment sa July 25, 2023 episode ng programa. Hindi ito nagustuhan ng mga manonood dahil tila may kabastusan daw ang ginawa ng magkarelasyon.
Narito ang kabuuan ng official statement ng MTRCB na inilabas kahapon, September 5.
“The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) reassures the public that it will continue to uphold due process and fairness in the discharge of its regulatory mandate and quasi-judicial function, as provided by law.
“In each adjudication proceeding, the Board ensures that respondents are accorded due process and exercise their right to a fair trial.
“Through the Agency’s Hearing and Adjudication Committee, respondents are given the opportunity to present their case and submit position papers, which are deliberated upon by the said Committee.
“After considering the merits of the case, the Committee recommends to the Board its final decision for affirmation.
“Last 17 August 2023, a special board meeting was held to address multiple adjudicated cases, including the 25 July 2023 episode of It’s Showtime.
“On 29 August 2023, during its regular board meeting, the Board unanimously voted on the suspension of the said program.
“This decision was made with careful consideration of prior warnings and offenses associated with the show.
“Chairperson Lala Sotto inhibited from voting, ensuring that members of the Board exercised their independent judgment in determining the appropriate course of action.
“Despite the imposition of the penalty, respondents have the right to file a Motion for Reconsideration (MR) within fifteen (15) days after receipt of the decision.
“Should the respondents find the Board’s decision on the MR unfavorable, they may choose to appeal to the Office of the President within fifteen (15) days from the receipt of the decision on the MR.
“The order suspending the show shall only take effect after the lapse of the aforementioned periods without the respondents having filed their MRs or appeals.”
Nabahiran ng kontrobersiya ang desisyon ng MTRCB sa mga violation ng “Showtime” dahil anak nga si Chair Lala ni Tito Sotto, na isa naman sa mga host ng “E.A.T.” sa TV5. Marami ang nananawagan na mag-resign na siya dahil unfair at hindi raw makatarungan ang ginawa niya.
Samantala, viral na ngayon sa social media ang isang video na kuha sa “Choose Ko Po!” segment ng “Showtime” kahapon. Ito yung bahagi kung saan matapos ang presentation ng letter D ay nag-dialogue si Vice ng, “Okay, letter…”
Bago pa maituloy ni Vice ang sasabihin, may sumigaw na hanggang letter D lang ang choices. Sey ng komedyante habang binubuksan ang cue card, “Hindi, may letter… may letter… the Office of the Movie and Tele… charot! Ha-hahaha! Yun yung letter. Ha-hahahaha!”
“Okay! Anong laging nasa panalangin ng Showtime staff?” ang natatawang tanong ni Vice.
“Ano nga?! Letter A?!” hiyaw ni Karylle.
Tumatawa pa ring sigaw ni Vice, “Sana yun ang tanong. Ano kaya ang ipinagdasal ng Showtime staff kagabi?
“Pero ang Showtime family, kung ano man ang ipinagdasal niyo kagabi, I’m very sure, yun din ang ipinagdasal ng madlang people. We are in this together, di ba?” set pa ng TV host sabay palakpakan at sigawan ng studio audience.
Sabi pa ni Vice sabay tugtog ng nakakalungkot na background music, “Oo, di ba? Di ba? Ang madlang people ay kami. Kayo ang Showtime, yes! Tayo ang Showtime!”