Erik Santos inaming kinuwestiyon din ang Diyos sa magkasunod na pagkamatay ng mga magulang: ‘Hindi pa rin kami makapaniwala sa nangyari…’

Erik Santos inaming kinuwestiyon din ang Diyos sa magkasunod na pagkamatay ng mga magulang: 'Hindi pa rin kami makapaniwalansa nangyari...'

Erik Santos, Renato Santos at Angelita Santos

“NABASA ko nga po ‘yan ‘Nay, actually, kagabi bago ako matulog nalulungkot po ako bilang part ng ‘Showtime‘ kasi po isa ako sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan.”

Ito ang sagot ni Erik Santos nang hingan siya ng reaksyon ni Nanay Cristy Fermin sa ipinataw na 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa programang “It’s Showtime.”

Si Erik ang special guest ng programang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika sa Radyo 5 92.3 TRUE FM kahapon ng tanghali.

Sa pagpapatuloy ng tinaguriang Prince of Pop at King of Teleserye Theme Songs, “But I hope and I pray na muli po ay malampasan ng buong production kasama rin po ako ro’n itong pagsubok na ito.”

Susog ni ‘Nay Cristy, “Lahat naman ng pagsubok anak nalalagpasan natin ‘yan at kanina nga nag-isyu na ang Showtime, si Konsehal Jhong HIlario ang nagbasa na habang hindi pa po nagiging pinal ang desisyon dahil may MR (Motion for Reconsideration) pa po sila at may MR pa rin po sa Office of the President (Bongbong Marcos) sakaling hindi tanggapin ng MTRCB (ay) tuluy-tuloy pa rin po sila sa pagbibigay ng saya sa ating mga kababayan.”


Samantala, kahit nakangiti si Erik ay kitang-kitang ang lamlam ng kanyang mga mata sa dahilang hindi pa siya nakaka-recover sa pagkamatay ng kanyang amang si Ginoong Renato Santos na walong buwan lang ang pagitan ng namayapang asawang si Ginang Angelita Ramos-Santos o mas kilala bilang si Nanay Lits.

Inamin din niya na para silang nasa “bubble” na magkakapatid dahil ulilang lubos na silang apat at talagang kinuwestiyon niya ang Panginoong Diyos kung bakit pero sa kabilang banda ay alam niyang may dahilan ang lahat.

“May mga pagkakataong hindi kami makapaniwala pa rin na ganu’n ang nangyari sa aming magkakapatid, na nangyari ‘yun sa magulang namin.

“Pero sinasabi ko po sa mga kapatid ko na kapag nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap-usap na let’s take it one day at a time.

“Kasi po ‘yung kay nanay palang pilit kong hinahanap ‘yung kasagutan sa lahat ng nangyayari pero sabi ko ‘wag na nating pilitin alamin kung ano ‘yung mga sagot basta higpitan pa natin ‘yung kapit sa Panginoon, ‘yan po lagi ang sinasabi ko sa mga kapatid ko,” pahayag ni Erik.

Baka Bet Mo: Angeline hindi pa ipinakikilala kay Erik ang bagong BF: ‘Di naman kailangan…selos yarnnnnn?

Nabanggit ni ‘Nay Cristy na alam niya kung paano magmahalan ang apat na magkakapatid dahil nakabigkis sila na sinang-ayunan naman ng binatang mang-aawit.

Tiyak na mas lalong makararamdam ng sakit ng loob si Erik dahil sa pagdiriwang niya ng kanyang 20th year sa larangan ng musika ay magkakaroon siya ng konsiyerto sa Oktubre 6, 2023 sa ganap na 8 p.m. na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.


Ang titulo ay “Milestone: The 20th Anniversary Concert” na ididirek ni John Prats at si Homer Flores ang musical direktor with special guest Sheryn Regis na tinaguriang Crystal Voice of Asia.

Kaya namin nabanggit na masakit ang loob ni Erik ay sa tuwing may major concert siya dito sa Pilipinas ay laging nanonood ang magulang niya na sa harapan ng entablado nakaupo saka kakatanhin ng binata ang paborito nilang kanta sabay lapit at hahagkan.

Pero ngayon ay wala na ang magulang nila kaya nakikinita na naming hahagulgol ng todo si Erik sa araw ng kanyang show.

Sabi nga niya ay magkakaroon siya ng tribute sa magulang niya “Ang goal po namin dito ay to inspire other people especially sa mga taong kumpleto pa po ang magulang na continue honoring ‘your parents.

“Kasi hindi mo talaga alam kung hanggang kailan mo sila mayayakap, kung kailan ‘yung last time na masasabihan mo sila ng ‘I Love You’ at kung kailan ‘yung last time na mapapadama mo sa kanila kung gaano mo sila kamahal,” sabi ni Erik.

Anyway, nabanggit ni Nanay Cristy na nakadalawang dekada na sa kanyang karera si Erik Santos at aktibo pa rin na iilan na lang ang umaabot sa kanitong estado kaya ang tanong sa kanya.

“Matagumpay na 20 taong, paano mo ilalatag ang iyong konsiyerto na ang emosyon mo ay hawak mo at hindi ka bibigay?” ani Nanay.

Halatang pinipigilan ni Erik na maging emosyonal, “Siguro po ‘Nay mauuna po rito ‘yung…kasi ang itinuro po sa akin ng nanay sa amin pong magkakapatid ang values na talagang itinanim niya sa utak naming magkakapatid.


“Kailangan grateful ka palagi kahit saan ka makarating dapat ‘wag kang makakalimot do’n sa mga taong tumulong sa’yo sap ag-abot ng mga pangarap mo at pangalawa palagi ka dapat maging mapagkumbaba sa kahit na naong kundisyon at sitwasyon ng buhay. So, ako po ‘yun ang core values ko ‘nay at ito po ‘yung dadalhin ko sa concert,” say ng binata.

Sinang-ayunan naman ito ni Nanay Cristy na lagi niyang nakikita kay Erik ang pagiging humble at pagtanaw ng utang na loob kaya mahal na mahal niya ito at todo pasalamat naman si Erik.

“’Nay, I want to take this opportunity to thank you personally alam ko naman na madalas po ay nakakapag-usap din tayo sa phone, malaking bahagi ka po sa aking 20 years in the business kasi naalala ko ‘nay a simula nu’ng nagsisimula ako hanggang ngayon na ‘yung suporta mo sa akin ay talagang priceless po, sobra.

“Know that I love you so much and I’m so happy na patuloy pa rin po ang inyong pamamayagpag, maraming salamat.  Thank you for your help, for your support, for you love all these years mahal ka ng buong pamilya ko ‘nay Cristy, thank you so much,” madamdamang pahayag ni Erik para sa “CFM” host.

Erik Santos nangakong hindi iiwan ang pamilya kahit may asawa’t anak na

Erik sa paghahanap ng kanyang ‘the one’: Kailangan grabe yung faith niya kay God

Read more...