Mark Leviste binura ang larawan nila ni Philip Salvador matapos kuyugin ng fans ni Kris Aquino

Mark Leviste binura ang larawan nila ni Philip Salvador matapos kuyugin ng fans ni Kris Aquino
BURADO na ngayon ang naunang post ni Batangas Vice Governor Mark Leviste kung saan may kasamang larawan nilang magkasama ng aktor na si Philip Salvador.

Noong Biyernes, September 1, nag-post ang bise gobernador ng mga lrawan na kuha sa nagdaang 50th anniversary ng Pentecostal Missionary Church of Christ.

Kabilang sa series of photos ay ang larawan ni Mark Leviste kasama sina Philip at Sen. Robin Padilla.

Agad na umani ng mga komento mula sa mga netizens ang naturang post dahil tila naging insensitive ang bise gobernador ng Batangas sa dati nitong karelasyon na si Kris Aquino.

Aware naman ang lahat na si Philip ay dati ring nakarelasyon ng Queen of All Media at nagkaroon rin sila ng isang anak, si Kuya Josh. Samantala, si Mark rin ay ganap nang ex-boyfriend ni Kris.

Mas lalo pang nag-init ang ulo ng netizens dahil sa parehong araw ay isang pasabog ang inilabas ni Kris sa kanyang Instagram story kung saan nakiusap siyang huwag na sana siyang guluhin ng bise gobernador at itigil na ang komunikasyon sa pagitan nilang dalawa.

Baka Bet Mo: Mark Leviste ibinandera ang larawan kasama sina Philip Salvador at Robin Padilla, netizens napataas ang kilay

Matapos ang ilang araw buhat nang mag-trending ang IG post ni Mark ay burado na ito sa kanyang Instagram feed.

Tila natauhan raw ito matapos kuyugin ng mga supoorters ni Kris dahil sa pagiging insensitive nito.

Bago na ang mga larawang ibinahagi ni Mark na kuha rin sa nagdaang selebrasyon.

Narito ang ilang mga komento ng netizens sa bagong post ng bise gobernador:

“Sabi na eh kaya nagalit si Kris cos of your post with the ex, good u deleted it. Good call Mark.”

“Praying na magkaayos pa po kayo VG @markleviste and @krisaquino! Thank you sa gesture and proving that you truly care and love our queen. ”

“Praying and hoping that both of you will be ok. Sir VG @markleviste pls don’t give up easily on her. Be strong and resilient on her no matter what. Truly, love is patient.”

Related Chika:
Kris Aquino tinapos na ang komunikasyon sa pagitan nila ni Mark Leviste: People really do grow apart

Kris Aquino binigyan ng Cartier ring si Mark Leviste, simbolo ng kanilang pagmamahalan at pagkakaibigan

Read more...