Liza Soberano kasosyo sa Careless talent agency nina James Reid at Jeffrey Oh, naglabas ng malaking halaga pero nalugi?
By: Reggee Bonoan
- 1 year ago
James Reid, Liza Soberano at Jeffrey Oh
TRULILI kaya na kasosyo si Liza Soberano sa Careless talent agency ni James Reid na siyang presidente ng kumpanya at chief executive officer (CEO) naman ang Korean-American na si Jeffrey Oh?
Ito ang nakalap naming balita mula sa aming source na kaya hindi na nag-renew si Liza ng kontrata niya sa ABS-CBN at kay Ogie Diaz ay dahil isa siya sa investor ng Careless.
Ayon sa aming source ay malaking halaga raw ang investment ng aktres at wala pa umanong bumabalik sa kanya bagkus ay nalugi pa ito ng malaki nang hindi tinao ang concert ni James Reid sa Cebu noong Enero, 2023 at sa kalaunan ay ipinamigay na lang ang mga tickets para maraming manood.
Kaya todo push nina James at Jeffrey Oh kay Liza para makabawi kahit paano sa investment at the same time ay para kumita rin lalo’t walang regular show ang dalaga.
Sa kasalukuyan ay nandito sa bansa si Liza dahil sabi ni James ay may malaking proyektong gagawin ang aktres na iaanunsyo very soon.
Naibalita rin namin dito sa BANDERA mula sa panayam ni MJ Felipe ng “TV Patrol” kay James na mariing itinanggi ng aktor na may kinalaman ang amang si Malcolm Reid kaya inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang business partner niyang si Jeffrey Oh noong Hulyo 28 sa opisina nito sa Poblacion Makati City.
Matatandaang isa ang BANDERA sa naglabas na ang ama ng singer-actor ang nagturo kay Jeffrey Oh base ito sa aming reliable source at naging viral n ito dahil maraming naglabas na sa social media at YouTube.
Si James ang Founder at Presidente ng Careless at si Jeffrey Oh naman ang Chief Executive Officer o CEO ng nasabing talent management kung saan kabilang si Liza Soberano sa mina-manage nila.
Ayon kay James ay takang-taka silang pamilya lalo na ang amang si ginoong Malcolm Reid kung bakit nadamay ang pangalan niya sa news.
Aniya, “I was shocked. Me, my family, especially my dad. We were shocked with a lot of the rumors that were coming out.
“When it came out, he said, ‘James, what did I do?’ So yeah, he was shocked. Simplest way to say it is, he had nothing to do with it. It’s surprising and we can joke about it but he was upset with everything that has been happening, the misunderstandings. He was upset on my behalf.”
Ipinagdiinan ni James na kaya raw nahuli si Jeffrey Oh ay dahil sa kawalan nito ng work permit o work visa sa Pilipinas na manggagaling sa Philippine government para legal itong makapagtrabaho rito sa bansa.
Say ng manager ni Liza, “It has been rough. This year has been one of the biggest challenges so far but we are learning a lot but honestly we’re just keep getting stronger.”