Bugoy Cariño, direktor ng ‘Huling Sayaw’ umalma sa mga akusasyon na ginagamit nila si Belle Mariano: ‘Maganda ang exposure niya sa pelikula’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Bugoy Cariño at Belle Mariano
DUMEPENSA si Bugoy Cariño sa mga nagsasabing ginagamit nila si Belle Mariano para umingay at pag-usapan ang pelikula nilang “Huling Sayaw”.
Makalipas ang apat na taon, ipalalabas na nga sa mga sinehan ang “Huling Sayaw” mula sa Camerrol Entertainment Productions mula sa direksyon ni Errol Ropero.
Ito sana ang magsisilbing launching movie nina Bugoy at Belle na ginawa nila matapos silang mag-graduate sa Kapamilya kiddie gag show na “Goin’ Bulilit“.
Hindi pa bumibida si Belle sa mga projects ng ABS-CBN noon at wala pa rin ang loveteam nila ni Donny Pangilinan nang gawin niya ang nasabing pelikula kasama ang ka-batchmate niya na si Bugoy.
Sa naganap na presscon ng “Huling Sayaw” kamakailan, ay si Bugoy lamang ang present at iba pang cast members — at wala si Belle Mariano.
Ayon kay Bugoy, wala raw talaga siyang idea kung bakit hindi dumating ang aktres sa kanilang presscon pero umaasa siya na sana’y suportahan pa rin ng DonBelle fans ang kanilang pelikula.
Sabi naman ni Direk Errol, noon pa niya nakita na sisikat at gagawa ng sariling pangalan sinBelle sa showbiz industry kaya naman nanghihinayang siya na hindi na ito makakapag-promote ng “Huling Sayaw.”
“Ang message ko lang kay Belle, alam ko, Belle, na mararating mo kung ano man ‘yung narating mo ngayon dahil nung nagtratrabaho tayo alam ko na napakabait mong bata, napaka-professional mo.
“Kaya hindi ako magtataka, na sabi ko nga, balang araw darating ka sa ganitong estado so hiling ko lang sa mga fans, sana suportahan naman ‘yung pelikula na dito ka lang nagsimula kahit paano bago ka dumating sa estado na meron ka ngayon.
“Nagkasama naman tayo, actually sa mga kasamahan mo, naging mabuti din naman kayo sa amin, sana naman, Belle, suportahan ninyo ‘yung ating pelikulang Huling Sayaw dahil napakaganda naman ng role mo rito. Hindi naman ito basta na lang,” mensahe ni Direk Errol.
Aniya pa, “Naka-seven shooting days po si Belle dito.”
Sa tanong kung paano sila nagkakilala ng Kapamilya star, “Si Belle po, handling ko po si Belle pero nu’ng kinoceptualize ko po ‘yung Huling Sayaw, si Bugoy po talaga ‘yung aking talagang option talaga na magbida po rito.
“Si Belle po rito is bestfriend niya po, na love interest niya po pero maganda naman po ang role ni Belle dito, hindi naman po konti lang ‘yung exposure niya.
“‘Yun kasi ang kini-claim ng mga fans ni Belle, eh, na konti lang daw po. Tapos si Belle nung nakita ko po, kasi sa Goin’ Bulilit napapanood ko naman po sila, si Belle po talaga ‘yung personal choice ko na maging ka-partner po ni Bugoy,” ang pahayag ng direktor.
Wala pa ang DonBelle loveteam nu’ng gawin nila ang “Huling Sayaw, “Kasi nu’ng kinuha ko po si Belle, hayan po napakasimple. Kahit ngayon naman siguro napakasimple, napakabait ng family niya, ng mommy at daddy niya. Nakakausap ko ‘yung mommy at daddy niya and then wala pa pong ganu’n, eh.
“Nagkaroon lang yata siya ‘yung time na nagkaroon siya ng pelikulang ‘Four Sisters Before The Wedding’. Nasa ABS pa po siya. Kaga-graduate lang po nila ni Bugoy sa Goin’ Bulilit,” sey ng direktor.
Bayad na rin daw ang talent fee ni Belle para sa movie, “Yes po. For the entire… actually mas mataas nga ‘yung talent fee niya kay Bugoy, eh, that time.”
Nagkakausap pa ba sila ni Belle, “Dati po friend kami sa Facebook. Dati nakakausap ko ‘yung parents niya pero ngayon po kasi parang, hindi ko alam kung nag-iba na sila ng number o binlock.
“Hindi ko po alam pero hindi na po. ‘Yung nakakausap ko lang po ngayon ‘yung mga managers niya po, ‘yung past and present manager niya po.
“Pero nag-reach out naman po sila sa akin, nakausap ko naman po sila. Willing naman po silang sumuporta. Pinanood po nila ‘yung first cut ng pelikula kaya lang ‘yung schedule ni Belle ang nag-conflict po talaga.
“Ganito po, ang gusto po talaga nila, at least makita po nila kung talaga worth daw na i-promote ni Belle. Siyempre po kasi iba na po. Iba na ‘yung Belle Mariano ngayon. Iba na ‘yung status niya na po.
“So ‘wag mag-expect sila na parang pinakabida ang role niya talaga. Sinabi pa nga po sa akin, ‘yung billing daw ng pangalan, unahin daw po si Belle tapos si Bugoy.
“In-advise po siya sa akin pero hindi ko po binago kasi sabi ko ‘yun ang magmumukhang ginamit ko kasi si Bugoy naman po talaga ang bida po rito. Si Bugoy naman po talaga,” sey pa ng direktor.
“Huling Sayaw” is produced by Director Errol Ropero, with Executive Producers Ronald Allan Guinto, Michael Endaya, Hon. Melvin Vergara Vidal, and Hon. Amado Carlos Bolilia IV. Showing na ito sa Sept. 13 sa mga sinehan nationwide.