Ellen Adarna pinarusahan ng ama dahil sa pagmamaldita sa mga yaya; pinatira na sa maid’s quarter, pinaluhod pa sa monggo

Ellen Adarna pinarusahan ng ama dahil sa pagmamaldita sa mga yaya; pinatira na sa maid's quarter, pinaluhod pa sa monggo

Ellen Adarna

NAGLAYAS din pala noon ang dating sexy star na si Ellen Adarna sa kanilang bahay na talagang hinding-hindi raw niya makakalimutan.

Aminado ang wifey ni Derek Ramsay na katulad ng mga ordinaryong kabataan, dumaan din siya noon sa phase ng buhay niya  na matatawag siyang “rebelde.”

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, sinagot ni Ellen ang ilang tanong ng netizens about her personal life, kabilang na nga riyan ang pang-uusisa ng netizen kung naranasan na ba niyang mag-commute.


Sagot ni Ellen (isinalin na sa Tagalog), “Yes dai, kasi may one time na nag-layas ako. Well, 13 years old, walang pera.

“So after a day, bumalik ako sa bahay. So ang punishment sa akin, pinag-jeep ako pauwi, pero sinundo ako ng yaya.

“On the way lang talaga yung schools ng mga kapatid ko sa akin, pero as a way of punishing me, pinag-jeep ako like three months,” pagbabalik-tanaw ng celebrity mom.

Bukod dito, pinaranas din daw kay Ellen ng kanyang mga magulang kung paano mabuhay bilang mga yaya, “Pinatulog ako sa maids’ quarters.

“Tapos on weekends, ako yung pinapaglaba, pinapatulong ako sa lahat ng household chores,” sey pa ni Ellen sabay dialogue ng, “Ayan, layas pa!”

Ayon kay Ellen, napakarami niyang natutunan mula sa pagpaparusa sa kanya ng ama, kabilang na ang kahalagahan ng humility at pagiging responsable.

Sagot naman ni Ellen sa mga netizens kung bakit siya naglayas,  “Actually, hindi talaga part sa plano maglayas.

“Tumakas lang talaga ako para mag night-out, to party party. Nag over-da-bakod ako, lumabas ako from the window.

Baka Bet Mo: ‘Bikini’ ni Sanya sa ‘First Yaya’ trending sa socmed; ‘I Can See You’ ni Barbie gumawa ng ‘history’

“Sobrang amazed sila kung paano ko nagawa yon. Para daw akong si Spider-Man,” tugon ng aktres.

Pagpapatuloy pa ni Ellen, “But di ko talaga plan lumayas that time. Umabot na lang sa layas because nahuli akong tumakas, so natakot akong umuwi kasi baka patayin ako ng papa ko.

“So, natawag na lang talaga siyang layas kasi di talaga ako umuwi,” aniya pa.


Ano pa ang mga maituturing niyang “memorable punishments” mula sa kanyang tatay, “Ang naaalala ko pinaluhod ako sa monggo, and then yun, pinag-jeep ako.

“Mabuti na rin yon kasi sobrang yabang ko dati, and then that humbled me.

“Because sobrang maldita ko rin talaga sa mga yaya ko dati, isa din yon, kaya he wanted me to live, to experience kung ano ang trabaho ng mga nannies,” sey pa ng aktres.

“So ayun, naintindihan ko naman. And after that, naging mabait na ako sa mga nannies. Kasi siyempre three months din akong nakitira with them.

“Tapos na-cut off din pala yung allowance ko,” pagpapatuloy pa ng dating sexy star.

“Sa sobrang pagka-rebellious ko, na-cut yung allowance ko. But, it also taught me to find ways to make money.

“So yung pagka-rebellious ko, may good thing naman na result. Di ako parang spoiled brat na naghihintay lang sa pera,” rebelasyon pa ni Ellen Adarna.

Janine Gutierrez pumasok sa showbiz para maipagamot ang yaya: She’s a cancer survivor at second mommy ko na talaga siya’

Ellen rumesbak sa nanglait kay Derek: Hindi rin bagay sa ‘yo makialam, bakit ganda ka?

Read more...