Behind-the-scenes ni Charo Santos-Concio sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ palong-palo sa socmed, mga bagong karakter umeksena na

Behind-the-scenes ni Charo Santos sa 'FPJ's Batang Quiapo' palong-palo sa socmed, mga bagong karakter umeksena na

PHOTO: Facebook/ABS-CBN News

NAPANOOD namin ang behind-the-scenes ng “FPJ’s Batang Quiapo” kung paano idirek ni Coco Martin ang dating Presidente ng ABS-CBN na si Ginang Charo Santos-Concio na bumalik na sa pag-arte.

Ginagampanan ni Ginang Charo ang karakter na “Tindeng” bilang lola ni “Tanggol” played by Coco.

Base sa Tiktok viral video ay kitang-kitang hinihingal si lola Tindeng habang may hawak na malamig na bottled water sabay inom habang itinuturo ni direk Coco ang eksenang gagawin na luluhod siya kay direk Joel Lamangan sa papel na “Roda.”

Nakikinig naman sa paligid ang ibang cast na sina Cherry Pie Picache, Susan Africa, mag-amang Pen at Ping Medina at Konsehal Lou Veloso.

Samantala, base sa umereng kuwento ng FPJBQ nitong Biyernes ng gabi (Sept. 1) ay nahatulan ng habang buhay na pagkakakulong ang grupo ni Tanggol at inilipat na sila sa Manila City Jail na base naman sa nabasa naming komento ng netizens ay sa Pampanga Provincial Jail ito kinunan dahil nakakulong din doon ang kapatid niya.

Baka Bet Mo: David Licauco inamin na ang ‘feelings’ kay Julie Anne; fans nagwala sa kilig

Sa pagkawala muna ni Lovi Poe as “Mokang” ay ilang karakters ang bagong pasok sa Batang Quiapo sa pangunguna ni Jacklyn Jose as “Chief Director Brigadier General Dolores Espinas,” Vandolph Quizon kasang bilanggo na si Bong, Zeppi Borromeo sa role na “Fidel,” Darwin Tolentino as “Teron,” Michael Rivero as “Abner,” Robert Sena bilang “Jail Warden Colonel Gerardo Balatucan,” Lao Rodriguez as “Jail Major Antonino,” Soliman Cruz bilang si “Mang Celso,” Ivana Alawi sa karakter na “Bubbles” at vlogger na si Pambansang Kolokoy, Joel Mondina bilang si “Cocoy.”

Ipinakitang bugbog sarado ang grupo ni Coco sa loob ng bilibid dahil lahat ng opisyal doon ay makatatatanggap ng malaking bayad kapag napatahimik na nila si Tanggol base sa utos ni Irma Adlawan na nagbilin na patayin ang taong pumatay sa anak niyang si RK Bagatsing.

Cliff hanger ang ending ng Friday episode na ipinakitang iniligtas ni Ivana si Coco.
Anyway, nangunguna na ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa ratings game pagdating sa primetime na napapanood sa Kapamilya online A2Z, at TV5.

Tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano ay maraming artista ang gustong mapasama sa Batang Quiapo at may mga nakausap din kaming GMA artists na kung papayagan daw sila ay type nilang mag-guest, nakakaaliw sila.

Related Chika:

Read more...