Ogie Diaz dinipensahan ang viral video ni Albie Casiño, payo sa mga artista: ‘kapag raraket kayo, dapat paghandaan ninyo!’

Ogie Diaz dinipensahan ang viral video ni Albie Casiño, payo sa mga artista: ‘kapag raraket kayo, dapat paghandaan ninyo!’

Ogie Diaz, Albie Casino

NILINAW ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na hindi lasing ang hunk actor na si Albie Casiño noong nag-perform sa isang beauty pageant.

Kamakailan lang kasi ay nag-trending at nag-viral ang video ni Albie habang hinaharanahan ang mga kandidata sa grand coronation ng Mutya ng Cotabato 2023.

Kinanata niya ang “Pangarap Lang Kita” ng Parokya ni Edgar at ang sikat na sikat ngayon na awitin ni Zack Tabudlo na “Habang Buhay.”

Mapapanood din na bumaba pa ang binata sa stage para lapitan ang ilang audiences na akala mo’y talagang nagko-concert sa isang malaking venue.

Reaksyon ng mga nakapanood sa viral video, feeling nila baka raw uminom muna ng alak ang aktor sa backstage bago nag-perform sa nasabing event dahil sa style ng pagkanta nito.

Pero pinabulaanan ito ni Ogie sa kanyang latest “Showbiz Update” na uploaded na sa YouTube.

Kwento ng vlogger, mismong ang manager ng hunk actor ang nagsabi na hindi lasing si Albie sa kumakalat na performance video.

Baka Bet Mo: Lasing na empleyado matapang na nag-text sa kanyang amo: ‘Boss, I am drunk, but let me tell you this…’

“Sabi ng manager na si Leo Dominguez, hindi naman daw lasing. Siyempre kung hindi naman daw lasing, bakit naman ganun ka-hyper? Ayan din ‘yung tanong ng iba,” sey ni Ogie.

Chika niya, “Sa kabatiran ng iba na hindi kilala si Albie, si Albie po ay aminado naman na meron siyang kondisyon na talagang hindi siya mapirmi o hindi siya mapakali habang nasa stage, kailangang iba-iba ang area ng pinapuntahan.”

Ang binabanggit diyan ni Ogie ay ‘yung mental condition ng binata na ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder.

Patuloy ng talent manager, “Kwento nga sakin ni Mommy Rina Casiño, ‘yung mommy niya [ng aktor], na hindi naman nila dine-deny ang kondisyon ni Albie at ganun talaga siya kahit ‘nung nasa classroom pa ‘yan, hindi talagang mapakali ‘yan sa loob ng classroom.”

“Pero manageable naman. Tsaka kumbaga kaya naman mag-focus ni Albie kapag nagbabasa ng script, kapag eksena,” sambit pa ni Ogie.

Dagdag niya, “May mga times lang talaga na ‘yung comfort zone niya ay natatagpuan niya kapag siya ay [moving].”

“Kaya ‘yung mga [nagsasabi na] nawawala sa tono dahil lasing, minsan hindi, talagang wala lang talaga sa tono,” aniya pa.

Kung matatandaan, taong 2021 nang aminin ni Abie na mayroon siyang ADHD at para raw kumalma ang kanyang pag-iisip ay kailangan niya ng mahabang oras na work out.

Nag-research ang BANDERA patungkol sa ADHD at base sa Google, “ADHD is a medical condition that affects a person’s attention and self-control. Because of ADHD, people have a harder time staying focused. They may be more fidgety than others. ADHD can make it harder to control behavior so kids and teens may get into trouble more.”

“The symptoms include an inability to focus, being easily distracted, hyperactivity, poor organization skills, and impulsiveness,” lahad pa.

Kasunod nga ng mga nakuhang impormasyon ni Ogie ay nagbigay na rin siya ng payo sa lahat ng mga artista na kumukuha ng raket.

Kung mapapansin din kasi ninyo, tila sunod-sunod nang nagva-viral sa social media ang mga nakakalokang performance ng ilang mga sikat na artista.

Bukod kay Albie, nag-viral din ang aktor na si Luis Hontiveros dahil sa sablay na pagkanta niya ng “Jopay” sa grand coronation ng Miss Pagadian 2023 noong June 19.

Pinag-usapan din ang naging performance ng Kapuso actor na si David Licauco sa grand coronation ng Miss Grand Philippines noong July 13.

“Seriously speaking, dapat pag raket – binabayaran naman tayo ng tama, dapat gawin natin ng maayos ‘yung performance natin,” panawagan ni Ogie sa lahat ng mga artista.

Saad pa niya, “Sabihin natin na wala tayong boses, hindi kasi tayo singer, pero kung kakanta ng live medyo alamin muna natin kung kaya… kasi kung wala na, pwede naman pre-record niyo ‘yung song ninyo tapos sabayan nalang ng buka ng bibig, ‘yung ganun nalang.”

“Siyempre may ibang mayors doon na galing sa ibang lugar na nanonood, siyempre ‘diba ang goal natin is kunin tayo ng mayor na nanonood doon para dalhin doon sa bayan nila. E kung ganun nalang din ang performance natin, nako, mamarkahan kayo, ‘hindi ko na ‘to kukunin’.” dagdag niya.

Aniya pa, “Kaya ‘yan ang bilin ko sa lahat ng mga artista, pinaghahandaan ninyo kahit raket ‘yan. Maliit man ‘yan o malaki, the mere fact na inimbitahan kayo at nandoon kayo sa isang lugar na feeling niyo dayo kayo at gusto niyong maalala kayo, gandahan ninyo ang performance.”

Related Chika:

AJ Raval viral na naman, hirit ng netizens: Parang lasing na nag-videoke sa concert sa Cebu

Read more...