Gabbi Garcia na-’shookt’ matapos i-follow ni Paris Hilton sa IG: ‘Omg hellooo! Girl crush!! Major!!!’

Gabbi Garcia na-’shookt’ matapos i-follow ni Paris Hilton sa IG: ‘Omg hellooo! Girl crush!! Major!!!’

PHOTO: Instagram/@gabbi

KABOG ang latest social media post ng aktres na si Gabbi Garcia!

Paano ba naman kasi, napansin siya ng American media personality at socialite na si Paris Hilton.

Sa Instagram, ibinandera ni Gabbi ang black and white photos kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos.

Makikita rin na suot ng dalawa ang bonggang OOTD para sa anniversary event ng fashion magazine na Vogue Philippines.

Pero ang umagaw ng pansin sa post ay ang komento ni Paris na naglagay ng “smiling face with heart-eyes emojis.”

Baka Bet Mo: Khalil Ramos sa tanong kung pakakasalan niya si Gabbi Garcia: ‘100 million percent, yes! No double thinking!’

Tila napa-fan girl mode naman si Gabbi at nag-reply sa naging komento ng socialite.

Sey niya, “@parishilton omg hello!!! brb i’m sliving this moment!!!”

Sumagot naman sa kanya si Paris at sinabing, “@gabbi [smiling face with hearts emoji] Yas #Sliving sis [princess emojis]”

Hindi pa diyan natatapos ang pagkasabik ni Gabbi dahil ibinandera niya rin sa kanyang Instagram Stories na pina-follow rin siya ni Paris.

Inamin pa ng aktres na girl crush niya ang American media personality.

“Omg hellooo! [pink heart emoji] @parishiltion girl crush!! Major!!!” wika niya sa post.

PHOTO: Instagram Stories/@gabbi

Kung matatandaan dalawang beses nang bumisita sa Pilipinas si Paris, ang una ay noong 2011 at ang sumunod ay taong 2014.

Samantala, si Gabbi naman ay abala sa pinagbibidahang teleserye na “Unbreak My Heart” kasama sina Joshua Garcia, Jodi Sta, Maria at Richard Yap.

Related Chika:

Paris Hilton may pa-’face reveal’ sa kanyang baby, ibinandera ang first family picture

Read more...