Mga klase, gov’t offices #WalangPasok ngayong Sept. 1; Bagyong Hanna lalakas pa bilang ‘typhoon’

#WalangPasok

DAHIL pa rin sa masungit na panahon, suspendido ang mga klase sa ilang parte ng ating bansa ngayong Biyernes, September 1.

Narito ang kumpletong listahan:

Metro Manila 

– All levels, public and private schools

Atok, Benguet 

– Preschool to high school, public and private schools

Appari, Cagayan 

– All levels, public schools

Angeles, Pampanga 

– All levels, public and private schools

Ilocos Region 

– Dagupan City – all levels (public and private)

Cagayan Valley

– Aparri – all levels (only public schools)

Cordillera Administrative Region

– Abra – all levels (public and private)

– Benguet – preschool to senior high school (public and private)

Central Luzon

– Masantol, Pampanga – all levels (public and private)

– Angeles City – all levels (public and private)

– Hagonoy, Bulacan – all levels (public and private)

Western Visayas

– Bacolod City – all levels (public and private)

Baka Bet Mo: Belo may 2 bahay sa isang exclusive village, bakit nga ba nagtatrabaho pa kahit buhay-reyna na?

Bukod diyan, inanunsyo rin ng Malacañang na walang pasok ang mga tanggapan ng gobyerno ngayong araw (September 1).

“In view of the continuous rainfall brought by the southwest monsoon, and Super Typhoons ‘Goring’ and ‘Hanna’, work in government offices and classes at all levels in the National Capital Region are hereby suspended on 01 September 2023,” sey sa inilabas na kautusan.

Pero paglilinaw ng Palasyo, ang mga ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa health services, preparedness/response to disasters and calamities, at ilan pang mahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.

Samantala, ang mga pribadong kumpanya ay nakadepende naman sa kanilang pamunuan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng maging isang “typhoon” ang binabantayan na Bagyong Hanna mamayang hapon.

As of 5 a.m., huling namataan ang bagyo sa layong 870 kilometers silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas na hanging 110 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 135 kilometers per hour.

Kasalukuyan itong kumikilos papunta sa kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Base sa forecast track ng weather bureau, hindi ito inaasahang tatama sa lupa at posibleng lumabas ng bansa ngayong weekend.

“In terms of its track, meron po tayong bahagyang pagbaba at bahagyang pagtaas… Inaasahan ito na lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa Sunday po ng hapon, pero possible din na mapaaga ang paglabas nitong si Bagyong Hanna, maaari pong Sabado ng gabi,” sey sa press brifieng ni Weather Specialist na si Benison Estareja.

Bagamat walang pang epekto ang bagyo, pinalalakas naman nito ang umiiral na Southwest Monsoon o Hanging Habagat na siyang nagdadala ng malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Bukod sa dalawang sama na panahon, binabantayan din ng PAGASA ang pulo-pulong mga kaulapan na posibleng maging Low Pressure Area sa mga susunod na araw.

“Meron din po tayong mino-monitor na mga cloud clusters dito po sa silangan ng ating bansa, dito sa loob at labas ng ating Area of Responsibility possible po na may mabuo na Low Pressure Area within 24 hours, and over the weekend is possible na ma-develop into Tropical Depression,” sambit ni Estareja.

Read more:

NBI inilabas ang mugshots ni Vhong Navarro matapos ang boluntaryong pagsuko

Read more...