Vickie Rushton ipinanganak na ang panganay nila ni Jason Abalos: Our greatest blessing

Vickie Rushton ipinanganak na ang panganay nila ni Jason Abalos: Our greatest blessing

PROUD na ibinandera ng beauty queen na si Vickie Rushton sa madlang netizens na isinilang na niya ang kanilang panganay ng aktor na si Jason Abalos

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa habang magkahawak kamay nitong Biyernes, September 1.

“Our greatest blessing. Our little love. We still can’t believe he’s finally here in our arms,” pagbabahagi ni Vickie.

Pagpapatuloy ng dating “Pinoy Big Brother” housemate, “We love you more than you’ll ever know, Knoa.”

Makikitang naka-tag naman si Jason sa post ng asawang si Vickie.

Marami naman sa kanilang mga kaibigan ang nagpaabot ng congratulatory messages para sa first time parents.

“Congratulations ate vimskie [Vickie] & kuya jason,” saad ni Loisa Andalio.

“CONGRATULATIONS!! WELCOME TO THE WORKD BABY KNOA,” comment ng kapwa beauty queen na si Francesca Taruc.

Baka Bet Mo: Wish nina Vickie Rushton at Jason Abalos last Christmas natupad agad, magiging mommy at daddy na

Comment naman ni Sylvia Sanchez at Vhong Navarro, “Congratulations.”

Kasabay rin ng pagbandera ni Vickie sa kanilang little one ay ang pagse-celebrate nila ng first wedding anniversary ni Jason.

“Happy 1st Wedding Anniversary Baba! I can’t thank you enough for everything that you do for me/us.

“Seeing you as a father fills my heart with so much joy and love. I love you soooo much and I miss you,” saad ni Vickie sa kanyang post para kay Jason.

Gumawa naman ng tula ang aktor para ipahatid ang kaniyang pagmamahal sa asawa.

Matatandaang ikinasal sina Jason at Vickie noong September 2022 sa isang simbahan sa Batangas.

Samantala, inanunsyo naman ng dalawa ang noong May 2023.

Related Chika:
Wish nina Jason Abalos at Vickie Rushton sa 2023: ‘Yung pinakamalupit na blessing na lang ni Lord ang hinihintay namin!’

Vickie Rushton, Jason Abalos achieve ang #CoupleGoals, graduate na sa military training

Read more...