Wish nina Jason Abalos at Vickie Rushton sa 2023: 'Yung pinakamalupit na blessing na lang ni Lord ang hinihintay namin!' | Bandera

Wish nina Jason Abalos at Vickie Rushton sa 2023: ‘Yung pinakamalupit na blessing na lang ni Lord ang hinihintay namin!’

Ervin Santiago |December 28,2022
facebook
share this

Wish nina Jason Abalos at Vickie Rushton sa 2023: ‘Yung pinakamalupit na blessing na lang ni Lord ang hinihintay namin!’

Ervin Santiago - December 28, 2022 - 09:40 AM

Wish nina Jason Abalos at Vickie Rushton sa 2023: 'Yung pinakamalupit na blessing na lang ni Lord ang hinihintay namin!'

Vickie Ruston at Jason Abalos

WISH ng Kapuso actor na si Jason Abalos at ng kanyang wifey na si Vickie Rushton ang magkaroon na ng baby sa darating na 2023.

Yes, yes, mga ka-Marites! Mukhang handang-handa na nga ang celebrity couple na itaas sa next level ang kanilang married life next year.

Sa latest Instagram post ng aktor, makikita ang litrato nila ni Vickie na ang background ay isang malaking Christmas Tree na napapalibutan ng Christmas lights pati na ang photo nilang mag-asawa na ginamit sa kanilang wedding banns.

Sa caption nabanggit ni Jason na napakarami nang naging pagbabago sa buhay niya mula nang ikasal sila ni Vickie at sana raw ay dinggin din ng Panginoon ang kanilang ipinagdarasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos)


“Last year’s Christmas post na gamit yong picture namin sa marriage banns vs ngayon Mr. and Mrs na.

“Ang daming nangyari na dapat ipagpasalamat sa taas, yong pinakamalupit na blessing na lang ni Lord ang hinihintay namin baka next year may cute na naka singit na sa gitna,” ang nakasaad sa caption ni Jason.

“Maligayang pasko sa ating lahat. pagmamahal sa bawat isa!” ang pagbati pa niya sa kanyang fans at IG followers.

Ikinasal sina Jason at Vickie last September makalipas ang isang taong engagement. Ginanap ang wedding sa San Antonio De Padua Parish Church sa Nasugbu, Batangas.

Ayon sa mag-asawa, nakatakda sana ang kasal sa unang quarter ng 2022 pero na-delay nga ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Kasalukuyang nakaupo si Jason bilang provincial board member sa Nueva Ecija. Last month naman ay parehong pumasa as Navy Reservists ang mag-asawa matapos sumailalim sa military training.

Vickie Rushton, Jason Abalos achieve ang #CoupleGoals, graduate na sa military training

Hirit ni Jason Abalos kay Vickie Rushton: Panahon na para bumuo ng pamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vickie Rushton iniyakan ang pagtatapos ng pageant journey, laglag dahil sa edad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending