Vickie Rushton iniyakan ang pagtatapos ng pageant journey, laglag dahil sa edad | Bandera

Vickie Rushton iniyakan ang pagtatapos ng pageant journey, laglag dahil sa edad

Ervin Santiago |June 13,2021
facebook
share this

Vickie Rushton iniyakan ang pagtatapos ng pageant journey, laglag dahil sa edad

Ervin Santiago - June 13, 2021 - 09:32 AM

INIYAKAN at pinanghinayangan talaga nang todo ng beauty queen na si Vickie Rushton ang pagtatapos ng kanyang beauty pageant journey.

Kasabay ng announcement ng pre-pageant activities ng Binibining Pilipinas ngayong taon kung saan  binalak ngang sumali ni Vickie, naglabas ng saloobin ang dalaga tungkol dito.

Sa kanyang Instagram, nag-post ang girlfriend ni Jason Abalos tungkol sa pagtatapos ng dream niyang maging international beauty queen na unang nakilala ss “Pinoy Big Brother: All In housemate”.

“As much as I don’t want to, I need to close this chapter in my life. I thought I was okay but today I realized that I might not be as ok as i thought I was,” simulang pahayag ng dalaga.

Patuloy pa niya, “It finally sunk in that I am no longer part of it. Today, I found myself crying because I am still not ready to let go of this dream but I know I have to and I know God has better plans.”

Ngunit kahit masakit para sa kanya ang nangyari, mas pinili pa rin niya ang magpakapositibo, “I never imagined this journey would end this way but maybe it’s time to dream a new dream.” 

Kung matatandaan, maraming local pageants last year ang hindi natuloy kabilang na ang Binibining Pilipinas. Sa darating na July 11 na magaganap ang grand coronation night ng pageant. 

At dahil sa pagkaka-postpone nito, napilitang umatras si Vickie sa pageant dahil hindi na siya pumasa sa age-limit requirement. Nais sana niyang i-represent ang bansa sa Miss International.

Last May ay nag-29 na ang dalaga kaya lampas na siya sa age limit ng Miss International na 18 to 28 years old.

Kung matatandaan, nakapasok ang dalaga sa Top 15 nang sumali sa 2019 ng Binibining Pilipinas at naging first runner-up din siya sa Binibining Pilipinas noong 2018.

Noong 2011 naman ay nanalo siyang Mutya ng Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending