Korean movie na ‘Past Lives’ tinaguriang ‘must-watch movie of the year’, showing na ngayon sa mga sinehan

Korean movie na 'Past Lives' tinaguriang 'must-watch movie of the year', showing na ngayon sa mga sinehan

Teo Yoo at Greta Lee

SIGURADONG maraming makaka-relate, maiiyak at mapapa-dialogue ng “ang sakit naman” sa pinakabagong Korean-American film na “Past Lives.”

Para sa lahat ng mga adik na adik sa K-drama at Korean movies, hindi n’yo dapat palampasin ang pelikulang ito na pinagbibidahan nina Greta Lee, Teo Yoo, at John Magaro.

Napanood na namin ang pelikula last Wednesday, August 29, sa naganap na press screening nito sa Cinema ’76 at in fairness, talagang na-enjoy namin ito mula simula hanggang ending.

Tamang-tama lang ang timpla ng “Past Lives”, tahimik lang sa simula hanggang sa unti-unti nang nagbi-build up ang kuwento na umiikot sa childhood friends na sina Nora (Greta Lee) at Hae Sung (Teo Yoo) mula sa South Korea.

Napakaganda ng kanilang naging samahan at marami rin silang nabuong memories habang dumadaan ang panahon hanggang sa dumating na nga ang araw na  magpapabago sa kanilang buhay.

Nagkalayo ang dalawang bata noong 12 years old pa lamang sila hanggang sa nabigyan ng pagkakataon na magkita at magkasama uli sa New York, USA kung saan hinarap nila ang kanilang “destiny” at sinagot ang nakakalokang tanong na “what if”.

Baka Bet Mo: Mariel Padilla natupad ang pangarap na maging live seller, nagbabala sa mga scammer

Sure na sure kami na maraming magdedebate sa naging ending ng pelikula. Pero para sa amin, yun talaga ang tamang katapusan para sa kuwento nina Nora at Hae Sung dahil kailangan nilang magpakatotoo sa mga present situation ng kanilang buhay.

Yun ay para lang naman sa amin. I’m sure meron ding magsasabi na bakit ganu’n ang ending, sana ganito, sana ganyan. Well, kanya-kanyang paniniwala lang naman yan at walang tama o maling sagot sa mga ganitong klase ng debate o diskusyon.

Ang “Past Lives” ay directorial debut ng writer-director na si Celine Song. Paglalarawan niya sa kuwento ng dalawang bida sa pelikula, “I wish it was very simple who they are to each other, but it’s really not! Nora and Hae Sung are not really exes, right?

“Because they only held hands as children – does it count? They’re not really friends, because I think friends are less estranged. But they’re not strangers. You couldn’t really say they’re acquaintances, because what they feel for each other is a lot deeper,” aniya pa.


“Past Lives” is produced by A24 and exclusively distributed in the Philippines by TBA Studios. This marks the third acquisition and distribution partnership between TBA Studios and A24 following the successful Philippine release of the multi-awarded film “Everything Everywhere All At Once” and “The Whale.”

“We are incredibly excited to bring Past Lives to the Philippines,” ayon kay TBA Studios President and COO Daphne O. Chiu.

“This film is a hauntingly beautiful masterpiece, and we are confident it will leave a lasting impression on everyone who sees it,” aniya pa.

Showing na ngayon ang “Past Lives” sa mahigit 100 sinehan nationwide kaya watch na!

Vice napaiyak nang muling mag-concert sa US: Na-stress talaga ‘ko! Bigla akong natahimik…

Dingdong, Marian pinakilig ang madlang pipol sa kanilang live dance number

Read more...