BILANG CHED Commissioner si Ginoong Ronald Adamat ay gusto niyang ibahagi sa kabataang estudyante ang tungkol sa history ng indigenous people na hindi natatalakay sa eskuwelahan.
Kabilang pala si Commissioner Ronald sa community na ito at na sobrang salat sa buhay at nagpursige para makapag-aral.
Sa tulong ng mga kaibigang naniniwala sa kanyang adhikain ay nakagawa sila ng pelikula na true to life story ng tatay niya na siya mismo ang gumanap, sumulat ng script at nagdirek na rin katuwang niya bilang assistant director si Marinette V. Lusanta.
Bungad ng CHED commissioner, “This is a must-watch movie. Every single Filipino should not fail to watch this especially the youngsters, the students. It portrays the value of education.
“Iyan ang number one sa akin, ‘yung value ng education. There’s no substitute for education. Of course, peace. I’m a peace advocate.
“Kahit na magulo sa Mindanao, hindi ako sumurender. Kahit hirap kami sa buhay bilang IP (indigenous people). May stereotyping pag IP na poor, walang pinag-aralan. But despite all these persecution, at least na-surpass, na-hurdle ko lahat iyan,” aniya.
Ito ay ang “The Blind Soldiers (Surrender Is Not An Option)” mula sa Empowerment Film Productions, na mapapanood simula sa Setyembre 15-19 sa selected SM Cinemas at Robinsons Cinemas nationwide at magkakaroon ng premiere night sa Setyembre 9, Sabado sa SM City North Edsa.
Kabilang din ang pelikula bilang finalist sa Saskatchewan International Film Festival Canada na mapapanood sa Reel Attractions Theater, City of Humboldt simula Oktubre 14-21, 2023.
Baka Bet Mo: Vice naloka sa babaeng nag-shoutout sa ‘kabit’: ‘Ano ka ba, ang dami na naming issue, dadagdag ka pa!’
Sa ginanap na mediacon ng nasabing pelikula ay ikinuwento ni Ginoong Ronald Adamat na sobrang nagpapasalamat siya sa lahat ng taong tumulong para mabuo niya ang pelikula.
Aniya, “Napakalaki ng fulfillment ko. ‘Yun lang nairaos ko itong pelikulang bilang aktor at bilang direktor is a big milestone for me.
“Sabi nga sa subtitle ng movie na Surrender Is Not An Option ay talagang hindi ako sumurender, hindi ako sumuko. Pinangatawanan ko talaga ito.
“Bagama’t mga beterano itong mga ito (co-actors) ay pinilit kong sumabay. Salamat sa Diyos at nakaraos naman. Iyon ang realization ko talaga. And I hope this is not the last. For as long as may relevance yung movie, it is worth making,” aniya.
Ang kuwento ng pelikula ay nangyari sa tunay na buhay bilang Teduray Tribe sa Cotabato ang ama ni Ginoong Ronald na kasama sa limang kalalakihan na nagpalista at sumapi sa United States of Armed Forces in the Far East (USAFFE) noong World War 2 at Japanese invasion.
Hindi nakatuntong ng eskuwelahan kaya hindi marunong magsulat at magbasa ay naging sunud-sunuran sila nang napasama sila sa nagsasanay na pulis at dahil may mga pagkakamali na sinasalo sila ng mga kasamahan na napapasama pa kaya binansagan silang blind soldiers.
Gustong ipagtanggol ang kanilang bansang Pilipinas ay ipinakita nila ang kanilang kakayahang labanan ang mga gustong sumakop dito.
Kaya nang magwagi ay ito ang nagpamulat sa blind soldiers ang kahalagahan ng may pinag-aralan at dahil dito ay sinikap ng lima nap ag-aralin ang kanilang mga anak pagkatapos ng giyera.
Base sa trailer ng “The Blind Soldiers” ay kasama ni Ginoong Ronald ang seasoned actors na sina Soliman Cruz, Gary Lim, Long Mejia, at Bong Cabrera, with the supporting cast like Sue Prado, Jojit Lorenzo, Apollo Sheikh Abraham, Jaime Wilson, Zhiane Franco at Jojit Lorenzo.
Iba pang Chika:
Jay Khonghun ipinagtanggol si Aiko, pumili kayo: public official na nagti-TikTok o nagnanakaw sa kaban ng bayan?