‘Gran Turismo’ ibinandera ang kwento ng isang race car driver, naghatid ng inspirasyon

‘Gran Turismo’ ibinandera ang kwento ng isang race car driver, naghatid ng inspirasyon

PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures

MOTIVATION ba sa buhay ang hanap niyo?

Magandang panoorin ang action-thriller film na pinamagatang “Gran Turismo” na kasalukuyan nang ipinapalabas sa mga lokal na sinehan.

For sure naman, pamilyar kayo sa titulo lalo na sa mga batang ‘90s diyan.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, ipinangalan kasi ito sa isang sikat na racing simulation video game na unang inilabas noong 1997.

Ang kaibahan lang, masasaksihan sa pelikula ang nakakaantig na kwento ng isang professional race car driver.

Baka Bet Mo: Mga bagong karakter sa pagbabalik ng ‘Transformers’ ipinakilala na

Ito ang true story ni Jann Mardenborough, isang Gran Turismo game player na madalas manalo sa ilang Nissan competitions ng laro. 

Ang pagiging manlalaro rin ang kanyang naging daan upang matupad ang pangarap niyang maging professional racer.

Bukod sa intense ang ilang eksena sa pelikula dahil sa ipinakitang racing competitions, talaga namang inspiring at nakaka-relate ang mga pinagdaanan ng bida upang makamit niya ang nag-iisang layunin niya sa buhay.

Marami ang naging hadlang sa kanya, pero hindi siya napigilan ng mga ito upang lalo pang pagbutihin ang kanyang mga ginagawa sa buhay.

Ayon pa nga sa mga cast at crew ng pelikula, iba-ibang emosyon ang mararamdaman kapag pinanood ang  “Gran Turismo: Based on a True Story.”

“It’s a movie based on a true life story with heart pounding action and drama and love story and it’s bad ass race car action,” sey ng mga bumubuo ng bagong movie.

Ang gumanap bilang Jann ay ang British actor na si Archie Madekwe.

Bumida rin sa pelikula sina David Harbour at Orlando Bloom.

Bukod sa tatlo, tampok din sina Darren Barnet, Geri Halliwell Horner at Djimon Hounsou.

Related Chika:

‘Maid in Malacañang’ kumita na ng P330M; ipinalabas na sa Middle East

Read more...