Gamer na ‘instant’ race car driver inspirasyon sa bagong pelikula

Gamer na naging ‘instant’ race car driver inspirasyon sa bagong pelikula

Pauline del Rosario |May 04,2023
facebook
share this

Gamer na naging ‘instant’ race car driver inspirasyon sa bagong pelikula

Pauline del Rosario - May 04, 2023 - 05:07 PM

Gamer na naging ‘instant’ race car driver inspirasyon sa bagong pelikula

PHOTO: Courtesy Columbia Pictures

FROM gamer to racer. Ito ang peg ng upcoming action-thriller film na pinamagatang “Gran Turismo.”

For sure naman ay pamilyar kayo sa titulo ng bagong pelikula dahil ‘yan ay ipinangalan sa isang sikat na racing simulation video game na unang inilabas noong 1997.

Mapapanood pa sa trailer na hango ang kwento nito sa true story ni Jann Mardenborough.

Si Jann ay isang sikat na Gran Turismo player na ilang beses nang nanalo sa Nissan competition ng naturang laro.

At dahil nga riyan, ito ang naging tulay niya upang matupad ang kanyang pangarap na maging professional racecar driver.

Libo-libong fans na ang napa-comment sa inilabas na pasilip.

Karamihan sa kanila ay nagulat dahil ginawan na ng pelikula ang paborito nilang video game.

Baka Bet Mo: Mga bagong karakter sa pagbabalik ng ‘Transformers’ ipinakilala na

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“This is gonna be good [fire emojis].”

“Looks really good! It’s based on a real story so that’s cool. I love movies like this.”

“Grabe! Trailer pa lang ang angas na. Can’t wait to watch this film [red heart emoji].”

Wala pang detalye kung kailan mapapanood sa Pilipinas ang pelikula, pero pinagbibidahan ‘yan nina David Harbour, Orlando Bloom at Archie Madekwe.

Bukod sa tatlo, tampok din sina Darren Barnet, Geri Halliwell Horner at Djimon Hounsou sa upcoming true story film.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Denzel Washington muling bibida sa iconic film makalipas ang 5 taon

Pelikulang ‘Insidious’ muling mananakot makalipas ang limang taon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending