NAGKITA sa United States ang singer-TV host na si Ogie Alcasid at ang Queen of All Media na si Kris Aquino, pati na rin ng mga anak nito na sina Josh at Bimby.
Kasalukuyang nasa U.S. si Ogie para sa North American tour nila ng batikang aktor na si Ian Veneracion na pinamagatang “KilaboTitos.”
At ‘yan ang naging dahilan kaya nagkaroon ng tsansang makabisita ang batikang singer kay Kris.
Sa isang Instagram post, masayang ibinandera ni Ogie ang litrato niya kasama sina Josh At Bimby.
“It was so great to see Josh and Bimby today. Two wonderful gentlemen who have the utmost concern and care for their mother who is my dear kumare,” wika ni Ogie.
Baka Bet Mo: Kris ipinagdadamot daw sina Joshua at Bimby sa kanilang mga tatay; Philip, James ilang beses nang napahiya
Wala sa picture si Kris, pero ibinunyag ng singer na nakasama niyang magdasal ang TV host.
“Mare, I post this to send my family’s love for you and your family,” caption niya.
Dagdag pa ni Ogie, “I am happy that I was able to pray with you today to seek for the Lord and his healing upon you. The Lord bless you and keep you and your family.”
Maraming kapwa-celebrities naman ang natuwa sa pagsasama ng dalawa at ilan lamang sa mga nagkomento sa nasabing post ay sina Darla Sauler at Melai Cantiveros.
“Waaaaah so happy finally nagtagpo kayo Kuya O!,” lahad ni Darla.
Sey naman ni Melai, “Awww [red heart emojis] @krisaquino”
Bukod diyan, maraming netizens din ang nagkomento na isang tunay na kaibigan si Ogie.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“So lovely seeing this.. A true friend indeed [yellow hearts emojis].”
“I’ve always been a Kris Aquino fan and an Aquino family supporter. Nice to see Mr. Ogie visiting Kris. Stay healthy everyone.”
“Isa kang tunay na kaibigan Sir Ogie [thumbs up emoji] Sending healing prayers for @krisaquino [folded hands emoji]”
Magugunitang nananatili ngayon sa California si Kris para sa kanyang medical treatments.
Ginagamot sa kanya ang limang kumpirmadong autoimmune diseases at mayroon pa siyang manifestation na posibleng ika-anim na sakit.
Nauna nang ibinalita ng Queen of All Media na nagkakaroon na ng improvements ang kanyang kalusugan, base sa kanyang latest blood test result.
Related Chika: