LABIS ang pagdadalamhati ng news anchor na si Connie Sison sa pagkamatay ng beteranong mamamahayag na si Mike Enriquez.
Matatandaang nitong Martes, August 29, marami ang nalungkot matapos kumpirmahin ng GMA Network sa pamamagitan ng programang “24 Oras” na tuluyan na nfang namaalam ang kinilala nila bilang “Booma” sa industriya.
Ibinahagi nga ni Connie ang mga larawan nilang magkasama ni Mike habang inaalala ang kanilang mga pinagsamahan at ang mga aral na ibinahagi nito sa kanya.
“I only have good memories of you, Sir Mike,” panimula niya.
“From the very first time I met you as a newbie in GMA, to the very last time we conversed after our program, your graciousness to me was impeccable,” pagpapatuloy pa ni Connie.
Baka Bet Mo: Mike Enriquez pumanaw na sa edad 71
Nangangako rin ang Kapuso broadcaster na lahat ng mga itinuro nito sa kanya ay palagi niyang dadalhin at ituturing na inspirasyon para mas maging mabuti.
“Babaunin ko po lahat ng paalala niyo at magsisilbing inspirasyon sa akin ang inyong ipinakitang kabutihan. Mananatili kayong buhay sa aming lahat na nagmamahal sa inyo,” sabi pa ni Connie.
Bago ang kumpirmasyon ng pagkawala ni Mike ay isa ang broadcaster sa kauna-unanhang nag-post ng itim na larawan na nangangahulugan ng pagluluksa sa social media.
Nagkasama sina Connie at Mike sa radio program na “Saksi sa Dobol B” kung saan kasama rin nila si Arnold Clavio.
Related Chika:
Gordon binatikos ng netizens; nabastusan sa ginawa kay Connie Sison