Paalala ni Andrea: ‘If may pinagdaraanan po kayo, kung nabu-bully kayo please seek help… lumapit kayo sa teacher o sa parents n’yo’

Paalala ni Andrea: 'If may pinagdaraanan po kayo, kung nabu-bully kayo please seek help... lumapit kayo sa teacher o sa parents n'yo'

Ang cast ng Kapamilya series na ‘Senior High’

NAPANOOD namin ang unang tatlong episode ng pinag-uusapang Kapamilya drama series na “Senior High” kung saan tatalakayin ang iba’t ibang isyu ng pamilya at ng mga pinagdaraanan ngayon ng mga estudyante.

Ito’y pinagbibidahan nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Juan Karlos Labajo, Gela Atayde at marami pang iba.

Sa kuwento ng “Senior High”, siguradong maraming matututunan ang bawat miyembro ng pamilya lalo na ang mga anak at magulang. Mula sa bullying, religion, isyu ng mental health, gender at iba pang napapanahong usapin tungkol sa kabataan.

Kaya sa naganap na grand mediacon ng serye, natanong ang ilang miyembro ng cast kung bakit mahalagang mapanood ng publiko ang “Senior High.”


Sagot ni Andrea, “Ang dami na ring nagawang mga high school na mga series, mga tungkol sa love, ‘yung iba naman sa hirap, mayaman tandem.

“I think it’s just right na mayroon ding series na mapag-uusapan ‘yung ganitong klaseng mga bagay na araw-araw pinagdaraanan at pino-problema ng generation namin at ng generation na nauna sa amin,” paliwanag ng dalaga.

Dagdag pa ni Andrea na gumaganap na twins sa kuwento ng “Senior High”, “Tulad ng lagi kong sinasabi, to raise awareness, to stop the cycle or makatulong at least, magkaroon ng impact sa ibang tao or sa impact ng buhay ng pamilyang nanonood.

“At sa parents, makatulong na maintindihan ‘yung anak nila. Impact din na you need to check up on your friends, hindi lahat ng masayang nakikita mo, totoong masaya sila. I think it’s just right na mapag-usapan ‘yung mga ganitong bagay,” lahad pa niya.

Baka Bet Mo: Iza Calzado sa postpartum body: ‘Mahaba-haba pa ang biyahe pero darating din tayo du’n, tuloy lang…laban lang!’

Mensahe pa ni Andrea para sa lahat, “If may pinagdaraan po kayo, please seek for help. If nabu-bully kayo, lumapit kayo sa teacher, or lumapit kayo sa parents niyo and if walang tumutulong, lagi niyong isipin na meron pa rin tutulong sa inyo.”

Paalala pa niya sa lahat ng mga kapwa nila kabataan na may mga pinagdaraanan ngayon, “Please, don’t ever give up, huwag kayong matatakot to speak your truth, you can do anything. Ipaglaban mo kapag inaapi ka.

“If may pinagdaraanan ka and you’re being depressed, please huwag mong ikimkim ‘yun. I’m not trying to be insensitive but I really want people to realize that na please talk to a professional,” mariing punto pa ni Andrea.

Para naman kay Elijah Canlas, kailangang maging responsable talaga ang mga magulang sa pagpapalaki at pag-aalaga sa kanilang mga anak.


“The kids, it’s a product of their environment, it’s a combination of nature, nurture talaga. May responsibility din ‘yung adults how they act around those kids, on how raise those kids.

“Kung paano nila pinapalaki, ‘yun talaga ‘yung ending ng bata, may responsibility din po ‘yung adults. Kahit ano’ng edad pa ‘yan, kahit ano’ng SOGIE, sana we’re all there for each other,” dugtong pa ni Elijah.

Pagbabahagi naman ni Zaijian Jaranilla, marami ring matututunan ang viewers sa karakter niya sa serye, lalo na isyu ng pera.

“Scholar lang ako sa school, matalino ako, ginagawa ko ‘yun para sa pamilya ko. Matututunan din ng mga bata na magsipag sila sa pag-aaral at i-appreciate nila ‘yung tulong na binibigay nung kanilang mga magulang,” sey ng dating child star.

Tinumbok naman ni Xyriel Manabat ang isyu ng bullying, “Kapag may nabu-bully sa harap ko, kapag alam ko naman pong nasa tama ako, feeling ko, hindi naman po ako matatakot ipagtanggol ‘yung tao especially, mayroon po akong palaban na side na ayaw kong pinapatahimik ako if ever meron talaga akong ipaglalaban.”

Dagdag pa ng dalaga. “‘Yung matututunan natin is not being scared to be outspoken, to be expressive and huwag pong hayaan maging silenced by the circumstances.

“If alam mo na you’re in the right path or you know you’re fighting for something that is right and you’re not doing anything wrong, have a voice, speak up,” paalala ni Xyriel.

For her part, naniniwala si Gela Atayde na mahalagang maging maingat palagi ang bawat isa sa mga salitang lalabas sa ating bibig.

“I guess ang matututunan natin from Sanya (her character) is hindi palaging may kailangang sabihin but at the same time you could always fight for what you know is right,” sabi ng anak ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez na kasama rin sa “Senior High”.

Nagsimula na ang serye nitong nagdaang Lunes,  9:30 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN, mula sa Dreamscape Entertainment at sa direksyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay.

Heart Evangelista may pinagdaraanan, pinipilit maging positibo: I’m really in search of just being happy

Joyce Pring umaming maraming pinagdaraanan ngayon, buong pamilya ang may sakit

Read more...