Anak ni Yasmien na na-bully sa school sumailalim sa counseling: ‘Ayoko nang danasin niya ‘yung nangyari last year’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Yasmien Kurdi at Ayesha
NAAYOS na ang naging complaint ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa school ng kanyang anak na si Ayesha matapos itong magbiktima ng cyberbullying.
Mismong ang aktres at celebrity mom ang nagkuwento sa ilang members ng entertainment media sa presscon ng bago niyang serye sa GMA 7 na “The Missing Husband” ng tungkol sa naranasang pambu-bully sa kanyang anak ng mga kaklase nito.
Kuwento ni Yasmien, last year nangyari ang insidente at naayos na raw ng adviser nina Ayesha. Sa katunayan, sumailalim pa sa counseling ang bagets para maiwasan ang pagkakaroon ng trauma.
Gumawa din daw ng paraan ang aktres para hindi muna makakasama ng anak ang mga classmates niyang nam-bully dito.
“My daughter recently experienced bullying. To the point na ginawa siyang ‘Ayesha hate club’ online. Ganu’ng level. Siyempre, ako bilang mommy, ipaglalaban ko siya kasi mahal ko siya.
“Pero buti na lang, isa sa mga bestfriends ng anak ko, dahil nagri-recruit ‘tong student sa ‘Ayesha hate club’, so ang ginawa nung bestfriend niya, chinange yung name to ‘Ayesha fan club’ ganu’n.
“So, mabait tong bestfriend niya. Sobrang love ko. Buti na lang may mga ganu’ng friends, ‘yung totoong friends mo talaga,” kuwento ni Yasmien.
Ang advice raw niya kay Ayesha, “Sabi ko nga sa anak ko, hindi naman lahat magugustuhan ka. Sabi ko nga sa StarStruck, you can’t please everybody ‘di ba?’ ‘Pag marami kang fans, marami ka ring bashers. So, sabi ko you know, ‘yun ‘yung realidad ng buhay. You have to be strong.
“Basta ako, lagi akong nandito. Kapag alam kong tama ‘yung anak ko, I always fight for her. Pero kapag alam kong mali ‘yung anak ko, ako mismo ‘yung mag-sorry at mag-apologize sa parents,” ani Yasmien.
Patuloy pa niya, “ Ngayon kasi enrollment time, ‘di ba? So, ni-request ko talaga na kung puwede huwag na muna pagsamahin ‘yung mga kid na nam-bully sa kanya, sa isang section. Kasi ayoko nang danasin ‘yung pinagdaanan niya last year, about ‘yung gumagawa sila ng ‘Ayesha Hate Club.’
“Nasasaktan ako as a mom. Hindi maganda ‘yun. So, gusto lang muna naming umiwas si Ayesha du’n. Then, nagkaroon siya ng parang counseling with the guidance sa school nila about the incident.
“Now, ‘yung bata naman, in fairness to her, she’s very positive. Mas positive po ‘yun sa akin. Positive ‘yung outlook niya sa life and hindi siya natitinag sa ganu’n,” paliwanag ng aktres.