Pokwang naloka sa itsura ng banana bread: ‘Ayoko na, wala na ‘kong gana! Parang iba ito, ba’t ganon?!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Pokwang
NAKAKALOKA ang litrato ng banana bread na ipinost ng Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang sa social media kamakailan.
Laugh trip ang mga netizens nang makita ang nasabing banana bread sa Instagram account ni Pokwang na may kakaibang kulay at hugis.
Sa unang tingin kasi ay aakalain mong private part ng babae ang nasa picture kaya naman sandamakmak na IG users ang natawa at napa-comment sa post ni Pokie.
Ang caption na inilagay ng komedyana sa nasabing photo, “Ayoko na, wala na akong gana! gusto ko lang naman ng banana bread!!! parang iba ito? bat ganon?”
Nilinaw naman ni Pokwang sa pamamagitan ng ginamit niyang hashtags na hindi sa kaiya ang litrato. Nakita lang daw niya ito na naka-post sa socmed account ng isang netizen.
Bukod sa mga IG followers ni Pokie, laugh din nang laugh ang mga kaibigan niyang celebrities nang makita ang iskandalosang itsura ng banana bread kabilang na nga sina John Arcilla, Vina Morales, Giselle Sanchez, Macoy Dubs, at marami pang iba.
Samantala, may netizen naman ang nagbigay ng advice kay Pokwang, “Ipadala mo kay Lee! Joke hahaha!” na ang tinutukoy ay ang dati niyang partner na si Lee O’Brian.
Hirit na tugon naman ng komedyana, “Wag na meron na sya nyan bago! ganyan na ganyan hahahahaaa.”
Ipinagdiinan din ng Kapuso star na kahit may mga anak na siya, super fresh pa rin siya at hindi pa laspag.
Sa isang panayam, natanong si Pokwang kung mahal pa ba niya si Lee?
“I’m not gonna lie, ‘no.’ It’s too late (magbalikan). Sabi nga ni Justin Bieber. May yaya naman si Malia (anak nila ni Lee). Bakit ngayon lang, ‘di ba?” sey ni Pokie kasabay ng pagsasabing wala na rin siyang pakialam sa lovelife ng ex-dyowa na nabalitang may bago nang partner ngayon.
“I don’t care. Gusto kong magpayaman para sa anak ko. Period!” chika ni Pokwang.
Last June, naghain ng deportation case si Pokwang laban kay Lee. Sabi ng abogado ni Pokwang na si Rafael Vincente Calinisan ng Calinisan Domino And Beron Law Offices, walang working permit sa bansa si Lee.
Kasunod nito, naghain naman ng counter affidavit si Lee at humiling pa na sana’y maging patas ang gagawing pagdedesisyon ng korte.