NAKAKA-PROUD naman ang latest milestone ng ilang mga programa natin sa bansa.
Paano ba naman kasi, nakatanggap ng parangal ang ABS-CBN game show na “Everybody, Sing!” at romance-comedy film na “An Inconvenient Love” mula sa ContentAsia Awards 2023 na naganap sa Bangkok, Thailand noong August 24.
Nag-uwi ng “Best Asian Original Game Show” award ang “Everybody, Sing!” ng komedyana na si Vice Ganda.
Natalo nito ang dalawang show mula sa Singapore, at tig-isa sa Hong Kong at Japan.
Baka Bet Mo: Kaya bang isakripisyo nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang love para sa kanilang pangarap?
Ang “An Inconvenient Love” naman na pinagbibidahan ng love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas kilala bilang DonBelle ay nagwagi ng “Best Asian Feature Film/Telemovie” award.
Nakalaban ng rom-com film ang tig-dalawang contenders mula sa Malaysia at Singapore.
At siyempre, lubos ang pasasalamat nina Vice, Donny at Belle sa natanggap na pagkilala at ito ay proud na ibinandera sa kani-kanilang Instagram account.
Bukod sa dalawang proyekto, winner rin ang documentary na “The Atom Araullo Specials: Mata sa Dilim,” na nakuha ang “Best Current Affairs Program made in Asia for International/Regional Markets.”
Samantala, ang mga nakapasok sa nominasyon ng nasabing award-giving body ay ang “Dirty Linen” para sana sa “Best Asian Drama for a Single Market in Asia” award, at ang “Flower of Evil” na nominado sa “Best TV Format Adaptation (Scripted) in Asia.”
Related Chika:
Jodi Sta. Maria nag-uwi ng bagong karangalan para sa Pinas: Panalo ito ng lahat!