Pura Luka Vega nanawagan ng donasyon, pinaghahandaan ang pagharap sa korte

Pura Luka Vega nanawagan ng donasyon, pinaghahandaan ang pagharap sa korte

PHOTO: Instagram/@puralukavega

MUKHANG lalaban na at planong dumulog sa korte ang drag performer na si Pura Luka Vega.

‘Yan ay matapos siyang sampahan ng patong-patong na reklamo at sunod-sunod na pagdeklara ng “persona non grata” sa maraming lugar.

Sa pamamagitan ng kanyang podcast Instagram account na @officiallylukluka, nanawagan siya ng tulong pinansyal para sa pagharap niya sa korte.

“WE’RE GOING TO COURT And we need your help more than ever [emoji],” wika niya sa post.

Ang makakalap daw na pera ay gagamitin para sa food at transportation expenses, pati na rin ng kanyang pamilya.

“Swipe left to see the GCash QR code — your donations will go to Luka’s family and transpo/food for their court dates this September,” panawagan niya.

Lahad pa, “Please add in the notes FOR LUKA when sending your support [folded hands emoji].”

“Airfunding donations are currently postponed and we’re asking you to spread this word,” pakiusap pa niya sa IG.

Baka Bet Mo: ‘Ama Namin’ drag performance ni Pura Luka Vega umani ng batikos mula sa madlang pipol

Magugunitang mainit na pinag-usapan sa online world ang video ni Pura na makikita siyang nakabihis bilang si Hesus habang kumakanta at sumasayaw siya sa remix version ng “Ama Namin.”

Ibinandera niya ‘yan mismo sa kanyang Twitter account at may caption pa na, “Thank you for coming to church!”

Agad naman itong nag-viral at umabot na nga rin mula sa ibang mga pulitiko at miyembro ng religious groups.

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), maituturing itong “mockery” at “blasphemous.”

Pagkatapos niyan ay sunod-sunod na rin siyang idineklarang “persona non grata” o unwelcome person sa maraming lugar sa Pilipinas.

Ilan sa mga hindi na niya pwedeng puntahan ay ang Maynila, Cebu City, Floridablanca sa Pampanga, General Santos City, Toboso sa Negros Occidental, Bukidnon, Dinagat Islands, Nueva Ecija, Laguna, Occidental Mindoro, Coron sa Palawan, at South Cotabato.

Bukod diyan, sinampahan din siya ng patung-patong na reklamo ng religious groups na “Hijos del Nazareno – Central” at “Philippines for Jesus Movement.”

Ayon sa mga grupo, nilabag ni Pura Luka ang Article 201 Section 2 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa “indecent shows, publications or exhibitions,” gayundin ang Section 6 ng Cybercrime Prevention Act.

Related Chika:

Pokwang dumulog sa abogado, may mga gustong bawiin at linawin kay Lee O’Brian

Read more...