Phil Younghusband excited na sa baby no. 2 nila ni Margaret Hall: Soon to be a family of 4!

Phil Younghusband excited na sa baby no. 2 nila ni Margaret Hall: Soon to be a family of 4!

PHOTO: Instagram/@philyounghusband10

SUPER happy at feeling blessed na ibinalita ng dating football player na si Phil Younghusband na madadagdagan ang miyembro ng kanilang pamilya.

Ipinagbubuntis kasi ng kanyang misis na si Margaret Hall ang second baby nila.

Excited na rebelasyon pa ni Phil, magkakaroon sila ng baby girl!

Sa Instagram, proud na ibinandera ng dating football player ang ilang pictures nilang pamilya.

Kitang-kita pa nga ang baby bump ng kanyang misis habang nakasuot ng fuchsia pink na dress.

Baka Bet Mo: Miss Universe 2012 Olivia Culpo engaged na sa dyowang football star na si Christian McCaffrey: ‘I’m marrying my best friend’

“Soon to be a family of 4 [sparkling emoji],” masayang anunsyo ni Phil.

Caption pa niya, “Our hearts are bursting with so much love and joy.” 

“Feeling truly grateful, blessed, excited and beyond happy to share that we are expecting a baby girl soon!” wika pa niya.

Maraming netizens at fans naman ang napa-comment at inihayag ang kanilang pagkasabik sa bagong baby ng mag-asawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Awww congratulations to you both [sparkling heart emoji] sending lots of love and light [sparkling emojis].”

“I can’t wait to meet the new addition [red heart emojis].”

“Cannot wait for baby #2!! [holding back tears, red heart emojis] Many congratulations to you all!”

Kung matatandaan, December 2017 nang ma-engage sina Phil at Margaret.

Ikinasal naman sila noong July 2019 sa Canterbury sa United Kingdom at biniyayaan ng anak na lalake na si Philip makalipas ang isang taon.

Related Chika:

Pag-unfollow nina Diego Loyzaga at Franki Russell sa Instagram ‘it’s a prank’ lang, epektib daw sa ‘method acting’

Read more...