Yasmien Kurdi napaluha nang mapag-usapan ang inang may kidney disease: ‘It’s really hard…talagang sacrifice’

Yasmien Kurdi napaluha nang mapag-usapan ang inang may kidney disease: 'It's really hard...talagang sacrifice'

Yasmien Kurdi

NAPAIYAK ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi nang mapag-usapan ang kundisyon ngayon ng kanyang inang patuloy na nakikipaglaban sa kidney disease.

Ibinalita ng aktres at celebrity mom na sumasailalim sa dialysis ang kanyang nanay na si Miriam Ong-Yuson matapos ma-confine ng ilang araw sa ospital.

Nitong nagdaang August 8 ay pinayagan na ng kanyang mga doktor si Mommy Miriam na makauwi sa kanilang bahay habang naghihintay ng kidney donor.

“I love my mom so much and mag-isa akong anak, I try to do everything for her because I love her,” ang pahayag ni Yasmien sa ulat ng “24 Oras” kagabi.


“It’s really hard, I know, lalo na iyong mga nag-aalaga diyan ng mga may kidney problem na parents, talagang sacrifice siya. Kasi kailangan maglaan ka ng schedules in a week para lang doon dahil lifeline na nila ‘yun eh,” pagbabahagi pa ng aktres.

Sa ngayon, bukod sa kanyang pananampalataya, humuhugot din daw siya ng lakas sa kanyang asawa’t anak, “Nandito kami for my mom. Pinapadama talaga namin sa kanya na nandito kami, may pamilya siya, na hindi lang siya mag-isa.

“And ayun, happy ako dahil marami kaming nandito, marami akong karamay para harapin ko ‘to.

Baka Bet Mo: Yasmien niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan: Dream car ko talaga siya!

“Ang hirap lang makita ‘yung mahal mo sa buhay na nagkakaganu’n ang ‘yung nararanasan niya, ‘yung hirap. At hindi ko kaya, parang nadudurog lang talaga ‘yung puso ko,” ang emosyonal pa ring pahayag ni Yasmien.

Samantala, muling bibida si Yasmien sa bagong Kapuso serye na “The Missing Husband,” na iniaalay daw niya sa kaniyang nanay na naging OFW din noon sa Middle East.


Kuwento ng aktres, kinunan sa United Arab Emirates ang ilang mahahalagang  eksena ng serye kaya medyo nasenti siya sa pagbabalik sa Middle East.  Tumulong din daw siya sa pag-translate ng ilang Arabic words habang nasa taping.

“I am half-Arab. Malapit sa puso ko dahil growing up in Kuwait, na-experience kong lumaki with my OFW titas and titos,” sey ni Yasmien.

Sa kuwento ng “The Missing Husband” gaganap si Yasmien bilang si Millie, ang asawa ng karakter ni Rocco Nacino, na mabibiktima ng scammer na magreresulta sa pagkawala ng kanilang kabuhayan.

Ka-join din sa nasabing serye sina Jak Roberto, Sophie Albert, Joross Gamboa, Nadine Samonte, Shamaine Buencamino, Michael Flores, Maxine Eigenmann, Cai Cortez, Bryce Eusebio at Patricia Coma.

Mula sa direksyon ni Mark Reyes,  mapapanood na ang upcoming suspense-drama series na “The Missing Husband” sa GMA Afternoon Prime simula sa August 28.

Vilma Santos napaluha nang mapag-usapan ang kinasasangkutang issue ni Luis Manzano: Ang anak ko tumutulong, hindi nangloloko

Yasmien Kurdi naloka matapos magkamali ng pinasok na tent sa taping: ‘Set po ito nina Bea Alonzo…’

Read more...