Litrato nina David Licauco at Barbie Forteza na magkayakap habang natutulog viral na, netizens may napansing ‘nakabukol’ sa kumot
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
David Licauco at Barbie Forteza
HABANG nagba-viral at patuloy na nagte-trending si Jak Roberto sa social media, hindi rin nagpapapigil ang pag-ariba ng tambalang David Licauco at Barbie Forteza.
Hot topic pa rin ng mga Marites ang pak na pak na “anti-selos” paandar ni Jak kung saan ipinagdiinan niyang never siyang nagselos sa kasikatan ng loveteam ng kanyang girlfriend at ni David.
Tanggap na tanggap daw niya ang katotohanan na mainit ngayon ang tambalang “BarDa” at naniniwala siyang trabaho lang ang ginagawa ng dalawang Kapuso stars.
In fairness, habang pinag-uusapan ang naging panayam ni Jak sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay talagang pina-trending din ng BarDa fans ang mga bagong kaganapan ngayon sa Kapuso loveteam.
Kabilang na nga riyan ang litrato nina Barbie at David na magkayakap habang nakahiga sa isang kama. Parehong nakapikit ang dalawa sa nasabing photo.
Pero bago pa ito malagyan ng malisya, kuha ang litrato sa taping ng bago nilang serye sa GMA, ang TV remake ng classic at blockbuster movie nina Robin Padilla at Sharon Cuneta na “Maging Sino Ka Man.”